Home OPINION SUPREME COURT JUSTICE PWEDE BANG MAGPRESIDE SA IMPEACHMENT TRIAL?

SUPREME COURT JUSTICE PWEDE BANG MAGPRESIDE SA IMPEACHMENT TRIAL?

9
0

NINETEEN percent (19 %) lamang ng mga Pilipino ang naniniwalang magiging patas ang impeachment trial?

Ano ba ang majority ng ‘all members of the Senate’? Labing-anim (16) ba o pwedeng mas mababang numero?

Hindi pa nagsisimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte subalit marami ng issues ang dapat maresolba para hindi magduda ang taumbayan sa maaaring maging takbo at resulta ng impeachment trial.

Una ang presiding officer. Dahil hindi abogado si Sen. Win Gatchalian ay mukhang mapagkakasunduan na si Sen. Chiz Escudero ang magiging Presiding Officer. Mismong mga pro-impeachment forces tulad ni Justice Antonio Carpio ang nagsabing “dangerous” kapag si Chiz ang maupong presiding officer.

Wala na bang kasong plunder si Escudero at siya pa mangunguna sa paglilitis? Paano kung kasuhan siya at ikulong? O “sure” bang hindi mangyayari sa kanya ang sinapit ni Sen. Jinggoy Estrada dahil nasa grupo na siya ni Sen. Win?

Wala bang ibang pwede?

Mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na isang Justice ng Supreme Court ang magpreside. Pwede ba iyon?

Nakasaad sa Saligang Batas: When the President of the Philippines is on trial, the Chief Justice of the Supreme Court shall preside pero sa Vice President walang specific na sinabi kaya sa impeachment rules ng Senate ay ang Senate President o kung sino ang napagkasunduan ng Senado.

Pero bakit si Chiz?

Isa ring issue ay ang kailangang boto para sa conviction. Sa simpleng math ang two thirds ng ALL MEMBERS OF THE SENATE ay 16. Pero para kina Batangas Rep Gerville Luistro at iba pa hindi na raw 24 dahil nakakulong si Jinggoy at nagtatago si Bato.

Pero ang tanong senador pa rin naman sila, di ba? Sabi rin ni Luistro hindi naman daw nakalagay sa Saligang Batas na 24 ang senador? Nakaligtaan niya marahil na sa Art. VI section 2 kung saan malinaw na nakasaad na: The Senate of the Philippines SHALL BE COMPOSED OF TWENTY-FOUR SENATORS who shall be elected at large by the qualified votes of the Philippines, as may be provided for by law.

Ayon sa OCTA Research, mas maraming Pilipino (32 percent) ang naniniwala na hindi ebidensya ang magiging batayan ng hatol ng impeachment court. At pag hindi ebidensiya ang batayan ibig sabihin ay hindi magiging patas ang impeachment court. Habang 49 percent naman ay walang opinyon at tanging 19 percent ang naniniwalang patas ang impeachment court.

Sa ngayon ay lantad na ang kiling ng karamihang senador base sa kanilang mga pahayag. At aminin man o hindi ng Malacan̈ang, ito ay kumikilos sila para maging PATAS LABAN KAY VP SARA ANG MGA SENADOR.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here