MANILA, Philippines – Aprubado na sa bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng Basic Education Voucher Assistance Act, isang panukalang magpapalawak ng voucher assistance para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School.
Layunin ng panukala na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming estudyante na makapag-aral sa mga kwalipikadong pribadong paaralan, mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan, at magbigay ng mas maraming opsyon sa mga pamilya, lalo na sa mga lugar na kulang ang kapasidad ng mga paaralan.








