Home NATIONWIDE Basic Education Voucher Assistance Act, aprubado na sa bicam

Basic Education Voucher Assistance Act, aprubado na sa bicam

5
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Aprubado na sa bicameral conference committee ang pinal na bersyon ng Basic Education Voucher Assistance Act, isang panukalang magpapalawak ng voucher assistance para sa mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Senior High School.

Layunin ng panukala na mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming estudyante na makapag-aral sa mga kwalipikadong pribadong paaralan, mabawasan ang pagsisiksikan sa mga pampublikong paaralan, at magbigay ng mas maraming opsyon sa mga pamilya, lalo na sa mga lugar na kulang ang kapasidad ng mga paaralan.

(c) Cesar Morales

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay-priyoridad sa mga mag-aaral mula sa mga vulnerable sector at pagpapalakas ng suporta para sa mga gurong nagtuturo sa mga pribadong paaralang kabilang sa voucher program.

Nagpasalamat ang mga nagsulong ng panukala sa mga kasamahan sa Senado at Kamara, kabilang sina Senator Camille Villar, Cong. Roman Romulo, Cong. Jude Acidre, Cong. Chel Diokno, Cong. Kenneth Gatchalian, at Cong. Bernadette Escudero-Quirante, gayundin sa EDCOM 2 sa pangunguna ni Executive Director Karol Yee at sa Department of Education, sa kanilang suporta sa pagpapatibay ng panukala.

Kapag nalagdaan bilang batas, inaasahang mapapalawak nito ang access sa dekalidad na edukasyon at makapagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga batang Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here