Home NATIONWIDE War on drugs ipinadedeklara sa SC bilang unconstitutional

War on drugs ipinadedeklara sa SC bilang unconstitutional

2
0

MANILA, Philippines – Naghain ng manifestation at urgent motion for resolution sa Korte Suprema ang pamilya ng mga biktima ng drug war para hilingin na desisyunan na ang writ of Amparo na inihain noon pang 2017.

Ipinadedeklara rin sa Korte Suprema na unconstitutional o labag sa Konstitusyon, invalid, illegal at walang bisa ang nangyaring war on drugs partikular ang Command Memorandum Circular (CMC) No.16-2026 ng Philippine National Police dahil ito ay hindi na-withdraw at sa halip ay inamyendahan lamang.

Sinabi ni Atty. Gilbert Andres, ang legal counsel ng pamilya ng mga biktima ng EJK, na mahalaga na maideklara na labag sa Konstitusyon ang war on drugs para hindi na ito maulit.

Aniya, tanging ang Korte Suprema lamang ang makakapagdeklara na labag sa Saligang Batas ang war on drugs.

Ayon pa kay Atty. Andres, inihain ang writ of Amparo ng mga petisyoner dahil gusto nila ng proteksyon sa kanilang seguridad at magkaroon ng karapatan na mabuhay at may kalayaan.

Binigyang-diin ng legal counsel ng pamilya ng EJK victims na matindi ang naging takot nila dahil sa war on drugs.

Samantala, ipinaliwanag ng abogado na bagamat mapapalakas ang kaso ng dating administrasyon sa International Criminal Court, kapag idineklarang unconstitutional pero aniya ay hiwalay ito at huwag paghaluin dahil tanging ang Korte Suprema pa rin aniya ang may kapangyarihan na maideklara na unconstitutional ang war on drugs. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here