Home OPINION PULIS, BARANGAY AT MAMAMAYAN, LABAN SA KRIMEN

PULIS, BARANGAY AT MAMAMAYAN, LABAN SA KRIMEN

2
0

SA kabila ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa ng Philippine National Police (PNP), nananatiling banta sa bawat mamamayan ang scammers, magnanakaw, holdapers, at snatchers.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PNP, libo-libong kaso ng theft, robbery, at iba’t ibang uri ng fraud ang naitatala taon-taon, habang patuloy ding dumarami ang mga reklamo kaugnay ng online scams, investment fraud, at phishing.

Bagama’t iniulat na bumaba ng halos 25% ang focus crimes sa unang dalawang buwan ng 2026 na mula 6,081 tungo sa 4,532 kaso, hindi pa rin nawawala ang banta ng theft, robbery, snatching, at lalo na ang mabilis na pagdami ng iba’t ibang uri ng online scams at pambubudol. Ang pagbaba ng bilang ay hindi dapat magdulot ng pagiging kampante, kundi magsilbing paalala na ang crime prevention ay nagsisimula sa pagiging mapagmatyag ng bawat mamamayan.

Ang pinakamabisang sandata laban sa krimen ay hindi lamang ang presensya ng mga pulis at barangay authorities kundi ang preparedness at situational awareness ng bawat mamamayan. Sa totoo lang dear readers, crime prevention starts with personal responsibility. Ano-ano ang mga pwedeng gawin?

Iwasang mag-flex sa social media o magpakita ng mamahaling gadgets at alahas sa mga pampublikong lugar. Keep your bags secured at iwasang maglakad ng mag-isa sa isolated areas. Maging mapanuri sa mga taong lumalapit nang may kahina-hinalang intensyon.

Sa digital world, iwasang mag-click ng unknown links, huwag i-share ang inyong OTPs, PINs, passwords o banking information, kahit pa nagpapakilala ang nanghihingi na empleyado ng bangko o ahensya ng gobyerno. Hindi gawain ng mga tauhan ng legitimate institution ang pagkuha ng anomang confidential credentials lalo na sa online.

Malaki ang magagawa ng koordinasyon sa pagitan ng awtoridad at komunidad. Kung may neighborhood watch programs, malinaw na CCTV, tamang street lighting, mabilis na pagre-report sa PNP o barangay hotlines bago mag-vlog, aktibong pakikilahok sa barangay peace and order initiatives–siguradong mapabababa ang pagkakataong makapaminsala ang mga kriminal.

Wala man sa ating mga kamay ang tuluyang pagpuksa ng krimen, maaari naman nating mabawasan ang pagkakataong magtagumpay ang mga kriminal at salot ng pamayanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here