Home TOP STORIES Higit 100 bahay sa Norway natupok ng sunog

Higit 100 bahay sa Norway natupok ng sunog

4
0

OSLO, Norway – Mahigit 100 bahay ang nawasak sa isang malaking sunog noong Biyernes malapit sa lungsod ng Drammen sa timog Norway.

Ayon sa mga awtoridad, mahigit 60 bumbero at ilang helicopter ang rumesponde upang mapigilan ang pagkalat ng apoy, na pinalala ng malalakas na hangin.

Binalot ng makapal na itim na usok ang lugar, habang inilikas ng pulisya ang daan-daang residente. Kumalat din ang apoy sa kalapit na kagubatan.

Sa kabila ng malaking pinsala, wala namang naiulat na nasawi o nawawala sa insidente.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here