Home METRO 2 pormang parak dinakma sa Bulacan

2 pormang parak dinakma sa Bulacan

6
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang armadong indibiduwal habang pagala-gala sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong  madaling araw ng Hunyo 21.

Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, bandang 1:30 ng madaling araw nang rumesponde ang mga awtoridad sa sumbong ng concerned citizen hinggil sa dalawang may kahina-hinalang kilos na gumagala sa lugar.

Ayon sa ulat, ang isa sa mga suspek ay may dalang baril habang bladed weapon naman ang bitbit ng kasamahang nakasuot ng damit ng kapulisan.

Sa isinagawang beripikasyon, nakumpiska sa posesyon ng unang suspek ang baril na kargado ng tatlong bala ng 9mm habang patalim naman ang nahuli sa kasamahan kaya agad silang inaresto.

Ipinaalam sa mga ito ang kanilang mga karapatan bago dinala sa pagamutan para sa medical examination at isinailalim sa kaukulang dokumentasyon sa himpilan ng pulisya.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here