Home OPINION ‘MEMA’ NGA LANG BA SI ATTY. CLAIRE?

‘MEMA’ NGA LANG BA SI ATTY. CLAIRE?

2
0

NOON lang Mayo 18, ibinida ni Palace Spokesperson Atty. Claire Castro na “iniimbestigahan” na si Mindanao State University President Atty. Paisalin Pangandaman Tago batay sa mga reklamong ibinato sa kanya ng mga estudyante, mga magulang at ilang faculty members kaugnay ng kanyang pagpapatakbo sa nasabing state university.

Ayon pa kay Atty. Claire, ang imbestigasyon ay ipinasa sa tanggapan ni Commission on Higher Education Chairperson Shirley Agrupis.

‘Going three months’ na ngayon, pero, may imbestigasyon nga bang ginawa o ginagawa ang CHED? O, “mema” (may masabi) lang si Atty. Claire sa nasabing isyu?

Nagrereklamo rin ang ilang kapatid natin sa media dahil hindi rin daw nila “mahagilap” si Chairperson Agrupis para magbigay linaw sa estado ng imbestigasyon— kung meron nga.

“Tamang hinala” ang mga miron sa sinasabing imbestigasyon ng Palasyo dahil alam alam kasi sa buong ‘MSU Community’ na “nasungkit” ni Atty. Tago ang kanyang puwesto sa tulong ng kanyang “pinsan” si dating Budget Secretary Amenah Pangandaman na kilalang “bagyo” ang impluwensya kay PBBM.

Nag-resign noong Nobyembre si Secretary Amenah para hindi na maimbestigahan sa naging papel sa bilyones na flood control project scam pero balik-pwesto ulit nito lang Hulyo 10, bilang bagong ‘Chairman/CEO’ ng Al-Amanah Islamic Investment Bank kaya, “malakas” talaga!

Sa asinta naman ng mga miron, hindi nakatutulong ang pagiging “makupad” ng Palasyo at CHED sa imbestigasyon sa mga kaganapan ngayon sa MSU sa ilalim ni Atty. Tago.

Sa halip kasing mabawasan ang mga isyu, nadaragdagan pa.

Halimbawa, totoo kayang nababalam na (delayed) ang sweldo ng mga empleyado ngayon?

At aabot na umano sa halos 400 kawani ng unibersidad sa mga campuses nito ang “inalis” sa kanilang mga posisyon?

Ito ang himutok ng ilang ‘insiders’ na siyempre ay takot “lumutang” at baka makasama sila sa hanay ng mga ‘jobless’ eh, ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here