Home OPINION PRIMA FACIE, ‘FORTHWITH’ STYLE

PRIMA FACIE, ‘FORTHWITH’ STYLE

2
0

SAAN kaya pupunta at magtatapos ang usapang prima facie evidence na batayan ng prosekusyon sa pagsasabing nagkaroon ng maling paggamit o kaya’y pagbulsa ni Vice President Sara Duterte ng mga bahagi ng confidential funds para sa Office of the Vice President at Department of Education?

Matatandaang nag-resign na Kalihim ng DepEd si VP Sara hanggang Hunyo 19, 2024.

Sinabi ni prosekusyon witness Atty. Roderick Wamil na may P29 milyong kuwestyunableng mga pinagkagastusan ng OVP at DepEd na walang maliwanag na dokumento, walang petsa kundi acknowledge receipts.

Kaya naging ebidensyang prima facie o panimulang ebidensya na nagkaroon ng maling paggamit o pagbulsa sa mga salaping bayan na nabanggit.

Bigla tuloy nating naalaala ang usaping “fortwith” na naging kontrobersyal sa 2025 impeachment dahil ipinilit ng prosekusyon at ilang senador noon na nangangahulugang “agad-agad” ang paglilitis sa impeachment.

Sa Duterte vs House of Representatives, ibinasura ng Supreme Court ang “agad-agad” na kahulugan at sa halip, sa tamang panahon, depende sa mga pangyayari o circumstances at kinatigan nito ang pahayag ni Senate President noong 2025 na hindi “agad-agad” ang “forthwith”.

Hindi kaya mangyayari rin ito sa “prima facie” evidence na ipinipilit ng prosekusyon na batayan na ito ng maling paggamit o kaya’y pagbulsa ng confidential fund ng OVP at DepEd?

Bagaman may nagsasabing nasa depensa o kay VP Sara na ang bola laban sa paratang upang hindi madeklararng guilty ito, obligasyon pa rin ng prosekusyon na patunayan ito.

Isa sa mga pinakamahalagang usapin dito ay walang naipakita ang prosekusyon at ni Wamil na pinal na desisyon mismo ang Commission on Audit sa mga audit observation memorandum at notice of disallowance ni Wamil, lalo’t sinagot ng OVP/DepEd ang mga ito.

At kung meron mang pinal na desisyon, maiaapela pa rin ito sa hukuman na maaaring magbasura sa paratang, Duterte vs HOR style.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here