Home OPINION FLOOD CONTROL PROJ SCAM PROBE NASAAN NA?

FLOOD CONTROL PROJ SCAM PROBE NASAAN NA?

1
0

KUNG saan-saan na lang nagaganap ang mga baha sa nakaraang mga araw dahil sa habagat, bagyong Luis at bagong bagyong si Maymay.

Pangunahing tinatamaan ang milyon-milyong kabataang mag-aaral mula Mindanao hanggang Batanes.

Pati nga ilang siyudad sa Metro Manila, nagdeklara ring walang pasok sa lahat ng antas kahapon dahil sa babala ng PAGASA na malalakas at tuloy-tuloy na pag-ulan at tiyak na pagbabaha.

WALANG IPINAGMALAKING FLOOD CONTROL

Nitong nakaraang State of the Nation Address, ganap na itinigil ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbanggit ng paggawa ng mga flood control project.

Sa ilang nakaraang SONA, ipinagmalaki nito ang nasa 10,000 flood control projects.

Ngunit naging waepek ang mga ito sa mga dumating at dumarating na sama ng pamahon.

Nabanggit pa nga minsan nitong kaya nagbabaha ay nalunod lang ang mga proyekto at hindi nakayanan ang mga baha sa sobra-sobrang mga ulan.

Ngunit sa huli, dakong 2025, anak ng tokwa, hindi pala sobra-sobrang ulan ang mga dahlan ng pagbaha kundi matinding korapsyon sa mga flood control project.

Kaya sa 2025 SONA nito, mariin nitong binatikos ang mga mataas na opisyal ng gobyerno at sinabing “Mahiya naman kayo1”

Mahiya naman umano silang mga nasa Kongreso o mambabatas dahil pinagnanakaw ang mga pondo rito kaya nagkaroon ng mga guni-guni o ghost project, substandard projects, putol-putol projects at doble-tripleng pagpopondo.

Hindi lang mga buwis na nakokolekta mula sa mga mamamamayan kundi mga utang ng gobyerno laban sa baha at iba pang mga proyekto ang kinikbak ng mga “honorable” sa tinatawag nila mga “August Chamber” ng Kamara at Senado.

WALANG BAHA SA KULUNGAN

Sa kabila ng mga pagbaha kahit saan, nakapagtatakang walang pagbaha ng mga honorable sa mga kulungang inihanda sa kanila sa Payatas Jail, Quezon City.

Inanunsyo pa nga ng Palasyo na bago mag-Disyembre 2025, marami na ang makukulong sa nasabing piitan na sakop ng mga salitang “Mahiya naman kayo!” ngunit wala pa kundi isa o dalawa pa lang ang nakukulong…na hindi pa malaman kung sangkot nga ang mga ito o hind isa kikbakan.

Ang pagbaha ng mga bilanggong kongresman, senador at taga-Palasyo ang inaasahan ng taumbayan bilang anyo ng katarungan sa male-maletang kikbkan.

Katarungan din sa taumbayan na namamatay, nagkakasakit at naghihirap sa mga baha at landslide dahil sa mga ghost, substandard, putol-putol o may paulit-ulit na pagpopondo sa mga ito.

Ngunit lumipas na ang isang SONA mula noon, nanatiling bakante ang mga silid ng Payatas Jail kaya napakailap ang katarungan.

May naibalik naman daw na P25 bilyon ngunit katiting lang ito kumpara sa nasa P1.3-P1.7 trilyong kinikbak ng mga kongresman, senador at taga-Palasyo.

MAGTITIIS NA LANG LAHAT?

Sabi ng iba, magtitiis na lang dapat ang lahat dahil may hangganan naman ang mga paghihirap at kamatayan ng mga mamamayan dahil sa mga kikbakan at baha.

Ngunit tinatanong ng higit na nakararami, hanggang kailang ang pagtitiis?

Kaya naman, naririyan ang malakas na panawagan para sa kaukulan na mga imbestigasyon hindi lang sa Senado kundi sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan para sa katarungan at pagbabalik ng mga kinikbak ng mga pondo.

O paano!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here