Home OPINION MAG-INGAT LAHAT SA MASAMANG PANAHON

MAG-INGAT LAHAT SA MASAMANG PANAHON

3
0

UNTI-UNTING pumapatay ang mga kambal o tripleng masamang panahon ngayon.

Kaya dapat na mag-ingat ang lahat.

MARAMI NANG PATAY

Simula nang umatake ang bagyong Inday na pumatay ng nasa 17 katao noong Hulyo 15, may sumunod na ring namatay dahil sa iba pang masasamang panahon, gaya ng mga bagyong Luis at ngayo’y sina Maymay at Dolphin, habagat at low pressure area na nagdala lahat ng ulan at baha.

Kasama sa mga pinakahuling nasawi sina Urilyn Sison, 22, at lalaking kapatid nito na si Jessie, 20.

Nabagsakan sila ng malaking bato mula sa landslide na naganap sa Rodriguez, Rizal.

Tinamaan ang kanilang tahanan na nawasak din.

Mayroon ding dalawang nasawi sa landslide sa Barangay Shilan, La Trinidad, Benguet.

Nasa eatery ang mga biktima at iba nang basta na lang gumuho ang lupa mula sa itaas.

Mabuti’t nakaligtas bagaman nasugatan ang iba pa.

Ayon sa Office of Civil Defense, may 26 katao nang namatay simula kay bagyong Inday.

Bukod sa mga na-landslide, may mga nalunod din sa Iloilo, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Davao Oriental, Davao del Sur, Sarangani at Metro Manila.

Umabot na rin sa milyon-milyong mamamayan ang naperwisyo, kasama ang mga nasa evacuation center at mga mag-aaral na nasiraan ng mga eskwela at tinatamaan ng suspensyon ng mga klase.

Ganyan kabangis ang masasamang panahon.

Kaya dapat mag-ingat ang lahat.

MGA BINABAHA LINGUNIN

Tanggapin man o hindi ng gobyerno, matindi talaga ang epekto ng mga ghost project, substandard project, putol-putol at double-triple funded project na kontra-baha.

Bukod sa ‘di mapigilang nakamamatay na masamang panahon na lumilikha ng mga baha at landslide, ang pagkakaroon ng mga nasabing proyekto ay nagbunga rin ng mga kamatayan.

Kaya naman, bukod sa pagpapanagot sa mga maleta kongresman, senador, taga-Palasyo at iba pa ba na may gawa ng mga nasabing maiskam na proyekto, dapat pagkakataon pa rin para magproyekto sa mga susunod na taon.

Binabanggit natin ito dahil magsisimula na rin ang pagbuo ng pambansang badyet para sa 2027 at kung saan gagamitin ang mga ito.

Mungkahi nating maglaan muli ng malaking badyet laban sa baha, landslide at masasamang panahon na lumilikha ng mga ito.

Dapat lahat ng lugar na binabaha ay mapag-aralan ngayon at ang mga ito ang lalagyan ng mga proyekto at hindi katulad sa nakaraang apat na taon na kung saan-saan lang inilagay ang mga proyekto, kasama ang ghost projects, para pagkikbakan lang sa halip na para sa proteksyon at pagliligtas sa mga mamamayan.

TIYAKING WALANG KORAPSYON, KOMPREHENSIBO

Kung maglalaan muli ang gobyerno ng mga pondo laban sa baha, landslide at masasamang panahon, dapat nang walang magaganap na korapsyon at hindi katulad ng nakaraan na inubos lang ang P1.3-P1.7 trilyon ng mga korap.

Dapat ding komprensibo upang kone-konektado ang mga proyekto at magawa sa tamang panahon at kalidad.

Upang matiyak na walang korapsyon, isama nang aksyunan ang reklamo ni contractor Dizcaya na nasa 167 kongresman na kumikbak sa kanya at iba pang mga mambabatas, gayundin ang mga nasa Cabral Files, sinasabi ni Batangas Congressman Leandro Leviste-Legarda at itinuturo ng mga dating tauhan ni dating Ako Bikol Partylist Congressman Zaldy Co.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here