Home NATIONWIDE Video ng school shooting sa Zamboanga ipinabubura ng PNP sa social media

Video ng school shooting sa Zamboanga ipinabubura ng PNP sa social media

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) ang crackdown sa pagkalat ng online videos at mga larawan ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University.

Kasabay nito ay iniimbestigahan din ng ahensya kung paano naipasok ng estudyante ang dalawang armas sa paaralan.

Inatasan ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang Anti-Cybercrime Group na makipag-ugnayan sa social media platforms para burahin ang mga video at larawan na may kaugnayan sa pag-atake.

Ani Nartatez, nais ng mga awtoridad na mapigilan pa ang pagrepost nito at pagbabahagi ng mga sensitibong materyal lalo na sa mga menor de edad.

“This is an unfortunate incident that should be treated with utmost sensitivity, especially that there were minors involved in the content. Let us all be compassionate over this tragedy and it starts by showing respect and becoming responsible netizens,” saad sa pahayag ni Nartatez.

Inatasan na rin ang PNP-ACG at iba pang concerned units na imonitor at iulat ang pagkalat ng sensitibong content online.

Sa kabila nito, bukod sa pag-aalis ng video ay bubusisiin ng pulisya kung paano nangyari ang pag-atake.

“We have to dig deeper into this matter, especially that this is not the first time that this tragedy happened. Our focus is to check if there’s a pattern or identify intervention measures to prevent the repeat of this kind of incident,” ani Nartatez.

Agad na idineploy ang mga team ng pulis sa Ateneo de Zamboanga University kasunod ng pamamaril upang mag-imbestiga at magkaroon ng malinaw na ideya kung ano ang nangyari.

Tinitingnan din ng PNP ang usapin ng responsableng gun ownership at pangangailangan na palakasin ang hakbang para sa gun owners na ang mga armas ay nagiging accessible sa mga menor de edad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here