MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng pribadong taga-usig na si Atty. Mae Divinagracia si OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio kung bakit kinailangang maubos ang P125 milyon na confidential funds sa loob lamang ng 11 araw, mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022.
Sa ika-18 araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hinanapan ng prosecution ng paliwanag kung mayroong seryosong banta sa bise presidente na nangangailangan ng ganoon kabilis at kalaking paggastos.
Si Ortonio ay isa sa mga testigong tumutulong sa prosecution na sundan ang galaw ng P500 milyong confidential funds ng OVP, na inilabas sa tig-P125 milyon na tranche mula huling bahagi ng 2022 hanggang 2023.
Idineklarang hostile witness si Ortonio ng impeachment court, kaya maaaring gumamit ang prosecution ng leading questions sa kanyang pagtatanong. CESAR MORALES








