Home OPINION MARTIAL LAW NOON AT NGAYON

MARTIAL LAW NOON AT NGAYON

2
0

IKA-54 anibersaryo ng Martial Law ngayong araw na opisyal na idineklara noong Setyembre 21, 1972.
Kung pagbabatayan ang mga kwento ng mga nasa Malakanyang noon, sinasabing Setyembre 17 pa lang, nakahanda na ang martial law sa papel ngunit ininunsyo ito nina dating Press Secretary Francisco “Kit” Tatad noong mga alas-3:00 ng hapon at mismo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mga alas-7:15 ng gabi noong Setyembre 23, 1972.

Sa huli, inilagay sa petsang Setyembre 21, 1972 ang papel o dokumento ng martial law sa ilalim ng Proclamation 1081 para sa Thanksgiving Day umano.

Sinasabing dinelay ang paglalabas ng proklamasyon upang mahuli lahat ang pupwede nilang hulihing mga kritiko ng administrasyong Marcos at maihanda lahat ang kinakailangang pwersa militar at pulis para walang makapalag.

At bago pa nga ang Setyembre 17, 1972, may pagpapakalat na ng mga pwersang militar, kasama ang mga Philippine Navy at Philippine Army, sa mga lalawigan lalo na sa national highways, tulay at ilog na daanan ng mga tao at sasakyan at nasaksihan mismo ito nang buhay ng Lupa’t Langit.

Bago pa nga ang Setyembre 17, 1972, may mga sigalot na sa pagitan ng mga bagong pwestong militar at sibilyan, lalo na sa relasyon ng mga lalaking militar sa mga misis ng may misis.

Ang maganda lang noong kahahayag ng martial law, napalalaya ang mga hinuhuli na mister at kamag-anak ng mga babae sa pakiusap ng mga kapitan ng barangay.

Pero habang nagtatagal, naging istrikto na ang mga militar at hindi na basta nagpapalaya, at kasama sa mga ibinibilanggo ang mga mayor na kontra sa mga pro-martial law na appointee noon.

Ngayon? Parang martial law rin kahit hindi dahil pinabibilanggo ang mga kritiko ng administrasyon ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here