Home OPINION ISYU SA 16 VOTES, MAAGANG INISIP NI CHIZ

ISYU SA 16 VOTES, MAAGANG INISIP NI CHIZ

1
0

SA unang araw ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naglabas agad ng ruling si Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na 16 votes ang kailangan para sa conviction, base sa literal na two-thirds ng 24-member Senate.

Ipinaliwanag ni Chiz na gumawa agad siya ng formal ruling sa isang isyung alam niyang posibleng kwestyunin. Ayaw niyang matapos ang buong Impeachment trial at saka pa lamang dadalhin sa Supreme Court ang tanong kung tama ba ang bilang ng botong ginamit.

“Ang pinakaayaw kong makitang mangyari, pagkatapos nating pagbotohan… hindi pa rin iyon ang tuldok sa isyu ng impeachment,” sabi ni Chiz.

“Sana kung saka-sakali, anomang pasya ng Senado, maging pinal o mapagpasyahan nang pinal ng Korte Suprema upang sa gayon, kapag ito’y pinagbotohan sa katapusan ng kasong ito, iyon na rin ang katapusan ng usaping ito,” diin niya.

Nilinaw ni Chiz na ang kanyang 16-vote position ay isang formal ruling at maaaring gamitan ng anomang legal remedy na available sa mga partido. Posible aniyang magkaroon ng justiciable controversy ngunit ang Korte Suprema pa rin ang magpapasya kung maaari nitong dinggin ang ganitong usapin.

Sa madaling salita, kung may constitutional question tungkol sa bilang ng boto, mas mabuting maresolba na ito bago pa dumating ang final vote.

Dito naging importante ang pagdinig sa amici curiae o “friends of the court” na nagbigay ng kani-kanilang pananaw tungkol sa isyung maaaring makaapekto sa Impeachment trial.

Sinang-ayunan ni retired Chief Justice Artemio Panganiban si Chiz at sinabi niyang mathematically correct na two-thirds ng 24 ay 16. Aniya, mahalagang malinaw ito upang maiwasan ang kalituhan sa bandang huli.

Nang itanong ng Presiding Officer kung ano ang mangyayari kung magkaroon ng decimal point sa pag-compute ng two-thirds kapag bumaba ang bilang ng mga senador na maaaring bumoto, sinabi ni Panganiban na dapat sundin ng Impeachment court ang mathematical rules sa pag-round off ng mga numero.

Nagbigay rin ng kani-kanilang opinyon ang iba pang ex-Chief Justices.

Iyan ang halaga ng debate na ginagawa ngayon pa lamang.

Maaaring panindigan ang initial ruling ni Escudero. Maaari rin itong baguhin matapos marinig ang lahat ng argumento ngunit nananatiling epektibo ang 16-vote ruling hangga’t hindi ito binabago ng Impeachment court.

Ang klaro, naiwasan ni Chiz ang sitwasyon na matapos ang final verdict ay saka pa lamang malalaman na hindi pala iyon ang huling usapin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here