Home OPINION PULITIKA, HUWAG NANG SUBUKAN

PULITIKA, HUWAG NANG SUBUKAN

1
0

HUWAG na ninyong subukang pumasok sa pulitika dahil alam nating napakadelikado nito.

Darating ang araw na maaaring mawalan ng gana ang mga taong nagbabalak makiisa sa pulitika. Ito ay isang babala: huwag nang basta-basta sumubok dahil alam naman nating hindi biro ang panganib. Hindi kailangang hintayin pang may mangyaring hindi maganda bago pag-isipang mabuti ang maaaring maging kapalit ng pagpasok sa pulitika.

Kapag pinagsama ang maling yabang at kapangyarihan, madaling mauwi sa pagiging mapagmataas. At kapag sumobra, ang resulta ay maaaring isang malakas na pagbagsak na hindi lamang posisyon ang mawawala, kundi pati dangal at pagkatao.

Kung babalikan natin ang malagim na pangyayari sa Negros Oriental, hindi basta-basta mabubura sa isipan ng mga biktima at kanilang pamilya ang kanilang sinapit. Ang isang masaker ay hindi lamang bilang ng mga nasawi. Bawat buhay na nawala ay isang pamilyang naiwan sa dalamhati, isang alaala na mahirap burahin, at isang sugat na maaaring manatili habambuhay.

Ang Negros Oriental ay bahagi ng Negros Island Region (NIR), isang lugar na may mayamang kultura at sagana sa iba’t ibang produktong pang-agrikultura.

Sa usapin naman ng pulitika, diretsahan ang naging sagot ng Korte Suprema: may tungkulin ang Kongreso na ipatupad ang mandato ng 1987 Constitution hinggil sa pagbabawal sa political dynasties. Matapos ang 39 na taon, sinabi ng Korte na ang matagal na kabiguan ng Kongreso na magpasa ng kinakailangang batas ay grave abuse of discretion.

Sa totoo lang, kung seryosong susundin ang direktiba ng Korte Suprema, maraming nakaupo ngayon ang maaaring maapektuhan at marami rin ang maaaring madamay sa darating na halalan sa 2028.

Ito na ang sinasabi: ang labis na pang-aabuso habang nasa pwesto ay may kapalit. May tamang panahon para sa tamang parusa, lalo na kapag napatunayang may paglabag sa batas.

Ano kaya ang mangyayari sa mga nagkasala kung mapatunayang saklaw sila ng perpetual disqualification?

Ayoko ng mahabang komento. Mas gusto ko ang maikli pero malinaw.

May mga susunod pa tayong kabanata na aabangan. Tandaan natin: ang pagsuway sa ipinag-uutos ng Diyos at ng batas ay may katapat na parusa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here