Home OPINION PAGPATAY NG ESTUDYANTE SA KAPWA ESTUDYANTE NGAYON LANG NAGAGANAP

PAGPATAY NG ESTUDYANTE SA KAPWA ESTUDYANTE NGAYON LANG NAGAGANAP

4
0

ANO-ANO kaya ang mga nagaganap na maramihang pagpatay ng mga estudyante sa mga kapwa estudyante at sa loob pa ng mga iskul mismo isinasagawa?

PAGBABALIK-TANAW

Nitong Hunyo 22, 2026, sa Tacloban National High School sa Tacloban City, Leyte, 3 ang pinatay na estudyante ng dalawang kapwa nila estudyante na may mga baril at 20 ang nasugatan.

Noong Agosto 18 naman, sa Ateneo de Zamboanga University, Zamboanga City na pag-aari ng mga paring Katoliko, pumatay ang isang estudyante ng isang kapwa estudyante saka nagpakamatay rin,

Pagdating ng Setyembre 18, namaril din ang isang estudyante ng mga kapwa estudyante na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng nasa 10 iba pang estudyante saka nag-suicide sa Banga National High School, South Cotabato.

MGA DAHILAN O MOTIBO?

Ayon sa imbestigasyon, bullying ang isang naging dahilan ng pamamaril sa Tacloban ng dalawang suspek na edad 14 at 15.

Wala namang nakatitiyak sa mga personal na dahilan o motibo ng pamamaril sa Zamboanga at South Cotabato dahil nag-suicide nga kaagad ang mga suspek.

Ngunit may paniniwalang naimpluwensiyahan sila ng mga main social media and platforms gaya ng Facebook, Reddit, Discord, at alternative and deep web networks na kinapapalooban ng mga “violent extremists.”

Sa pag-iimbestiga ng pulisya sa internet background ng 14 anyos na killer sa Zamboanga, ang kandidatong valedictorian sa kanyang pagtatapos sana ay nakitaang nagkainteres sa mga bayolenteng bagay laban sa mga Hudyo at LGBT (lesbian, gay, bisexual and transgender) at iba pang “hate sites.”

Sa South Cotabato, natagpuang impluwensiyado ng “True Crime Community” sa internet ang killer at sa kanyang text messages at sulat, Agosto pa nang magsimula itong magbalak na pumatay.

MGA BARIL

Sa Tacloban, 9mm Glock 17 Pistol na service firearm ng tiyahin na pulis ang ginamit ng 14 anyos habang .38-Caliber Revolver (Armscor M200) na pag-aari umano ng isang security agency na pinagtabahuhan ng security guard na lolo ng 15 anyos.

Glock 22 (.40 caliber pistol) na pag-aari naman ng kanyang sariling ama na empleyado ng Bureau of Customs ang ginamit sa Zamboanga.

Sa South Cotabato, Glock 9mm pistol na pag-aari ng ama na empleyado ng Department of Education ang ginamit.

MGA GAGAWIN?

Ang tiyak, may baril sa loob ng mga bahay na abot-kamay ng mga bata at malamang na naturuan ang mga ito kung paano gumamit.

At ito ang pangunahing dahilan kung bakit sila may baril at namaril at hindi kutsilyo o dos por dos.

Dapat itago ang mga baril sa mga taguang hindi basta kayang makuha ng mga bata.

Itong bullying ay totoo at tunay na nakasasakit hindi lang sa damdamin at isipan kundi sa pisikal din.

Paano kung ikatwiran ng mga suspek na gumagawa lang sila ng self-defense sa pamamagitan ng mapaminsalang opensa sa mga nambu-bully sa kanila?

Paano naman kung may criminal tendencies na ang mga bata, eh, nagagatungan pa sila ng mga napanonood nila sa internet, mga regular na pelikula kahit sa telebisyon, group chat at nagaganap na tunay na patayan mismo sa paligid?

Ano-ano nga ang mga dapat gawin dito?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here