Home NATIONWIDE Paglikha ng ligtas na school environment responsibilidad ng komunidad – DOJ

Paglikha ng ligtas na school environment responsibilidad ng komunidad – DOJ

1
0

MANILA, Philippines – Responsibilidad ng buong komunidad ng paaralan ang paglikha ng ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral, sinabi ni Department of Justice Undersecretary Ian Norman E. Dato.

Sa anti-bullying awareness workshop sa Bagong Tanyag Integrated School sa Taguig City, hinikayat ni Dato ang mga guro, magulang, school personnel at kapwa estudyante na makiisa sa paglaban sa bullying.

“It takes a whole school community—teachers, parents, school personnel, and fellow students—to create an environment where every child feels safe, heard, and supported,” ani Dato.

Idinagdag pa na mahalaga rin ang papel ng mga nasa paligid ng mga bata lalo na sa pakikinig, pagtugon at pagbibigay ng suporta at proteksyon.

Giit ni Dato, hindi lamang ang biktima ng bullying ang dapat kumilos.

Aniya, patuloy nating itaguyod ang mga paaralan kung saan ang pagsasalita ay sinasalubong ng pag-unawa at kung saan walang bata ng kailangang humarap sa pambu-bully nang mag-isa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here