Home NATIONWIDE DOJ: Terrorism, frustrated murder raps isampa vs mayor, 14 iba pa sa...

DOJ: Terrorism, frustrated murder raps isampa vs mayor, 14 iba pa sa Maguindanao ambush

2
0

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng terrorism at frustrated murder charges laban sa 15 indibidwal, kabilang ang isang alkalde, kaugnay ng ambush kay Shariff Aguak Mayor Datu Akmad “Mitra” Ampatuan sa Maguindanao del Sur noong Enero.

Kabilang sa mga respondent si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan V, anak ni Andal Ampatuan Jr. na nahatulan kaugnay ng 2009 Maguindanao massacre.

Sa 72-pahinang resolusyon ng DOJ prosecution panel, inirekomenda ang pagsasampa ng frustrated murder at mga kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020, kabilang ang conspiracy to commit terrorism, planning, training, preparation and facilitation of terrorism, at terrorism.

Kasama rin sa reklamo ang mga alegasyon ng dalawang bilang ng attempted murder, malicious mischief at paglabag sa batas laban sa illegal possession o paggamit ng explosives.

Nag-ugat ang kaso sa Enero 25 ambush sa convoy ni Mayor Ampatuan sa Shariff Aguak. Nakuhanan ng surveillance footage ang isang lalaki na nagpaputok umano ng rocket-propelled grenade sa bulletproof vehicle ng alkalde.

Hindi nasugatan si Ampatuan ngunit dalawang security escort niya ang nasaktan. Tatlong hinihinalang gunman naman ang napatay sa sumunod na pursuit operation.

Samantala, naglabas na ang Iligan City Regional Trial Court ng warrant of arrest laban sa 12 indibidwal na iniuugnay sa naturang pag-atake. Hindi nagrekomenda ng piyansa ang korte para sa mga nakasaad sa warrant.

Patuloy na haharap sa proseso ng korte ang mga akusado, kung saan kailangang patunayan ng prosekusyon ang mga kasong isinampa laban sa kanila. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here