Home OPINION VELOSO: HINDI PULITIKAL NA LARO

VELOSO: HINDI PULITIKAL NA LARO

1
0

HINDI nagtatapos ang responsibilidad ng pamahalaan sa pagbukas ng pintuan ng kulungan. Doon nagsisimula ang mas mahirap na bahagi—ang pagtulong kay Mary Jane Veloso na muling maisaayos ang buhay.

Ayon kay Department of Migrant Worker Secretary Hans Leo Cacdac, basta kapakanan ng OFW (overseas Filipino worker) ang laging ipinaalaala sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos na bigyang prayoridad.

Kaya naman, inatasan ng Pangulo ang DMW na maglatag ng comprehensive reintegration program para kay Mary Jane at sa kanyang pamilya.

Kabilang dito ang psychosocial counseling, livelihood starter kits, enterprise capital at skills training, pati pag-uugnay sa mga kooperatiba at oportunidad sa ekonomiya sa Nueva Ecija.

Maaaring magkaroon talaga ito ng malaking epekto sa imahe ng administrasyong Marcos, lalo ng seryosong pinag-iisipan nito ang pagbibigay ng absolute pardon kay Veloso.

Sa panig ni Cacdac, malinaw ang mensahe: hindi nagtatapos sa paglaya ni Mary Jane Veloso ang responsibilidad ng pamahalaan. Ang susunod na mahalagang hakbang ay ang maayos niyang pagbabalik sa pamilya at komunidad, kasama ang suporta para makapagsimula siyang muli.

Alam ni Cacdac na si Veloso ay maaaring maging usap-usapan hindi lamang dahil sa kanyang paglaya, kundi dahil sa mga kwentong muling bubuhayin tungkol sa mga taong tumulong, hindi tumulong, o nanatiling tahimik noong mga panahong higit niyang kailangan ang suporta.

Alam niya at ngayong malaya na siya, hindi rin malayong muling mapag-usapan ang interes ng industriya ng pelikula. Baka may mga producer na ngayon ay magkandarapa upang gawing pelikula ang kanyang buhay.

Sinabi ni Veloso na mas mahalaga na makapiling niya muna ang kanyang mga mahal sa buhay at ang mga taong buông tấtag na nakipaglaban ất nấsa tabi niya noong kailangang-kailangan niya ang tulong.

Veloso: Hindi Pulitikal Na Laro

HINDI maaaring gawing laruan o pampulitikang puhunan ang pinagdaanan ni Mary Jane Veloso na ang kayang mahabang pagkakulong, pakikipaglaban at paglaya ay hindi dapat gamitin bilang bala laban sa kalaban o palamuti para sa sariling imahe.

Kung may mga producer o kompanyang ngayon ay interesadong gawing pelikula o dokumentaryo ang buhay ni Mary Jane Veloso, dapat malinaw: hindi nila pag-aari ang kanyang kwento.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here