Home OPINION ‘NAKATULOG SA PANSITAN’

‘NAKATULOG SA PANSITAN’

1
0

PINUNA ni Senate Impeachment court Presiding Officer, Senator Chiz Escudero, si Manila 6th District Rep. Benny Abante sa ika-30 araw ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte.

Bago niya tinawag si Senator Joel Villanueva, nakiusap siya sa dalawang kongresman na tapikin o gisingin si Abante na nakatulog na pala sa kanyang kinauupuan habang nasa gitna ng trial.

“Before calling on Senator Joel Villanueva, may i ask Congressman Defensor, Congressman Barbers to kindly nudge Cong. Benny a bit? It seems he’s tired. He may want to rest somewhere but at least not right behind the witness.”

Hindi ito narinig ni Abante dahil HIMBING NA HIMBING nga siya at…HUMIHILIK pa. Hikhikhik!

@@

Pero bigla siyang ipinagtanggol ni House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro ng Batangas.

“Your Honor, I think he’s praying for us.” ani Luistro.

Sabay dagdag na: “He’s praying for the prosecution, Your Honor.”

Bwarharhar!

NAGDARASAL NANG TULOG!

@@

Siyempre hindi naman bulag si Escudero.

Sinagot niya si Luistro nang nakangiti:

“I doubt that.”

@@

Nang interbyuhin ng media, inamin din mismo ni Abante na nakatulog nga siya dahil sa puyat. Alas-2:00 na aniya ng madaling araw siya nakatulog.

At ang kanya pang palusot, nakaaantok daw kasi ang mga argumento ng defense panel kaya siya nag-sleeping beauty. Hehehe.

@@

Hindi naman natin masisisi si Cong. Abante kung bakit siya nakatulog habang nanonood sa Impeachment trial.

Una, nasa edad na yan.

Pangalawa, masarap nga naman maupo sa malambot sa upuan sa Senado at malamig pa ang aircon kaya mahihimbing talaga siya.

At pangatlo, ang tawag sa nangyari sa kanya ay para siyang ‘NAKATULOG SA PANSITAN’.

Bakit kanyo, mistula na raw kasing WALANG KWENTANG PANSITAN ang Impeachment court dahil kung ano-ano ang “isinasahog sa mga niluluto” kaya nagiging pangit sa panlasa ng madlang pipol.

Hakhakhak!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here