Home OPINION PESTE, SAKIT SA SUPER EL NINO

PESTE, SAKIT SA SUPER EL NINO

1
0

NASAAN na ba ang paghahanda ng mahal kong Pinas laban sa super El Nino na nagsimula nang magbubunga ng peste sa tao, pananim at hayop?

Sa super El Nino, aabot ang init ng panahon o kapaligiran sa bansa sa 50 degrees Celsius sa katapusan ng taon at lalong tataas sa 52°C to 55°C sa Marso hanggang Mayo sa 2027.

At napakainit ‘yan.

EPEKTO SA TAO AT KAMATAYAN

Sa init lang na 40 degrees Celsius, magsisimula na ang katawan ng tao na hindi maayos ang kalagayan at kapag nagtagal ito, aabot na tayo sa panghihina at heatstroke.

Kapag tumaas pa sa sukat o init na ito mula sa 46 degrees Celsius pataas, anak ng tokwa, hindi na makapagpalamig pa ang ating katawan sa pamamagitan ng pagpapawis at maaaring dito na magsimula ang tiyak na kamatayan.

Kaya dapat tandaan nang mabuti ang sinasabi ng mga siyentista na aabot sa 50 degrees Celsius sa katapusan ng taon at lalong tataas sa 52°C to 55°C sa Marso hanggang Mayo sa 2027 ang init ng panahon at kapaligiran sa Pilipinas.

Kung hindi tayo mag-ingat at walang panlaban sa sobrang init, ano pa kundi hindi lang heatstoke kundi kamatayan ang ating aabutin?

OBRERO, MAGSASAKA

Ayon kay Climate Change Commission head Albert dela Cruz, pangunahing matatamaan ang mga obrero at magsasaka.

Ang mga obrero na nakabilad sa ilalim ng araw gaya ng mga nasa konstruksyon sa kalsada at gusali ang higit na matatamaan.

Nasa ilalim din ng araw ang mga magsasaka at kaiba ang mga ito sa mga mangingjsda na nasa paligid lang nila ang tubig na puwede nilang gawing pampalamig ng katawan.

Payo ni Dela Cruz, dapat tingnan ng mga obrero at magsasaka ang mga oras na nakararamdam na sila ng sobrang init kaya dapat gumawa na sila ng paraan na umalis sa trabaho o gumawa ng silungan habang nagtatrabaho.

Alalahaning, hindi lang galing sa itaas ang init kundi maging sa paligid.

Ang mga kompanya, dapat gumawa ang mga ito ng paraan na maiiwas ang mga obrero at magsasaka sa heatstroke at kamatayan sa mga oras na matindi ang pagpalo ng super El Nino.

MASISIRANG PAGKAIN

Sabi ng mga siyentista, kukulangin ang Luzon at Visayas ng 40% hanggang 60% na ulan habang 60% hanggang 80% kukulangin ang Mindanao.

Nangangahulugang matutuyo ang maraming sakahan at taniman at magbubunga ito ng matinding pagkasira ng mga pananim at puno.

Paano naman ang magiging epekto nito sa mga alagang hayop na nabubuhay sa damo at dahon ng mga puno gaya ng mga baka, kabayo, kalabaw, kambing, karnero at iba pa?

Paano ang mga manok at kauri ng mga ito na nabubuhay sa palay, bigas, mais at iba pa na masisira?

Kung mangyari ito, mga Bro, malaki ang masisirang produksyon ng bigas at mais, kasama ang mga gulay, at karne.

Masasama ring masira sa pagkatuyo ang mga palaisdaan at maraming ilog kaya ang produksyon ng iba’t ibang uri ng isda masisira rin.

MGA PAGHAHANDA, PANLABAN

Ang paghahanda at panlaban sa super El Nino ng pamahalaan lalo na, nasaan na?

Tayong mga mamamayan, ano-ano rin ang ating mga paghahanda?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here