Home OPINION MATAPOS GRAVE THREATS, PLUNDER NAMAN VS VP SARA?

MATAPOS GRAVE THREATS, PLUNDER NAMAN VS VP SARA?

1
0

MAKARAANG sampahan si Vice President Sara Duterte ng kasong grave threats, posibleng sampahan din ito ng plunder o pandarambong.

Magiging batayan ng plunder ang kasalukuyang akusasyon ng isang Rodulfo Gracioso Jr. na nagsabing nagdeliber siya ng P2 bilyong piso sa pamilya Duterte at pinakamalaking parte rito ang napunta kay VP Sara.

Sa kasalukuyan, nananatiling hiwalay na kaso ang grave threats sa Quezon City Regional Trial Court sa kasong grave threats na tapos nang dinggin sa impeachment court.

Ito’y sa kabila ng pagkwestyon ng ligalidad ng grave threats sa QCRTC dahil laman na nga ito ng grave threats sa impeachment court.

Dahil sa akusasyong P2 bilyong delivery, maaaring susunod na nga ang kasong plunder o pandarambong na isasampa laban kay VP Sara.

Sa impeachment, mawawalan si VP Sara ng karapatang manatiling Pangalawang Pangulo, gayundin ang karapatan niyang manumbalik o manatiling empleyado ng pamahalaan…kung madeklara siyang guilty o nagkasala.

At susunod na rito ang pagsasampa ng mga kasong kriminal na kaiba sa grave threats na maaaring ikakukulong kaugnay ng “unexplained wealth” at iba pa.

Kung isasampa ang plunder anomang araw mula ngayon, maaaring mas mabilis ang pagkukulong nang walang piyansa kay VP Sara.

Naligtasan ni VP Sara ang kulungan sa grave threats dahil pupwedeng piyansahan ito at maliligtasan din nito ang kulungan batay sa mga kasong sibil na pagbawi sa “nakaw o tagong yaman”.

Dahil naman sa lahat ng ito, lilitaw ang malaking katanungan kung bakit ganito na lang kasipag o kapursige ang pamahalaan at iba pang mga kritiko ni VP Sara sa paghahanap ng mabibigat na kaso laban kay VP Sara.

May kaugnayan ba lahat ng ito sa pagpigil sa kanya bilang susunod na Pangulo sa bisa ng halalang 2028 o iba pang mga pangyayari gaya ng posibleng pagbibitiw sa pwesto, kamatayan, pagpapatalsik sa isang istayl EDSA revolt at iba pa ng kasalukuyang Pangulo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here