Home OPINION GIYERA SA PONDO SA HALALANG 2028

GIYERA SA PONDO SA HALALANG 2028

4
0

KASALUKUYANG may giyera sa panukalang pambansang pondo o bayet para sa taong 2027, lalo na sa Kamara.

Marami-raming kongresman ang nagrereklamo sa kawalan o binawasang pondo sa mga proyektong imprastraktura at ayuda nila.

Lantad, halimbawa, na nagrereklamo ang nasa 45 kongresman na miyembro ng National Unity Party, habang may reklamo rin ang 5 miyembro ng Makabayan block.

Tanggap naman ng nasa 4 Duterte allies at ilang kumakampi sa kanila ang kawalan o labis na kakulangan ng pondo para sa kanila.

Dumarating na ang Oktubre 9, 2026 na magiging pinal na ang lahat ng pagpopondo sa mga proyekto.

MGA REKLAMO

Para sa mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats sa ilalim ni ex-Speaker Martin Romualdez at Partido Federal ng Pilipinas sa ilalim mismo ni Pangulong Bongbong Marcos na parehong bumubuo ng mayorya sa 318 kabuuang bilang ng mga kongresman, wala umano silang nalalaman o naririnig na problema.

Pero para sa mga taga-NUP at Makabayan block, anak ng tokwa, malalaki umano ang problema nila sa pondo.

‘Yun bang === partikular sa NUP, ayaw umanong ibigay sa kanila ang mga nararapat na pondo para sa 2027 gaya ng sari-saring ayuda na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health at Department of Labor and Employment at may For Later Release pa.

Ayon naman sa Makabayan block naman, pinalobo umano ng mayorya ang mga ayuda sa ilalim ng DSWD at DOH, maging ang TUPAD ng DOLE at trilyon ang ipambabayad sa utang na malaking bahagi naman ang pinagnanakaw sa nakalipas na apat na taon, gaya ng sa P1.3 triyong flood control projects.

Partikular sa mga proyektong kontra-baha, may kabuuang P107.4B at mula rito, may P83.85B para sa DPWH’s Flood Management Program, P19.6B para sa foreign-assisted flood control projects, at P3.4B para sa Metro Manila Development Authority habang kinaltasan ng 5% ang para sa edukasyon, kalusugan at at iba pang panlipunang pangangailangan.

Dahil sa ingay ng mga nagrereklamo na ipinaaabot sa media, gagawan umano ng paraan ng administrasyon o mayorya sa sa Kamara ang mga reklamo.

NAKAANGKLA SA HALALANG 2028

Tanggapin man o hindi ng mga politiko, mga Bro, nakaangkla ang mga reklamo sa halalang 2028.

Kapag kulang na kulang o walang pondo o For Later Release ang mga pondo, walang maipapakitang accomplishment ang mga nagrereklamo para sa halalang 2028.

Ang paggamit ng pondong 2027 ang pagbabatayan ng “serbisyo publiko” ng mga nakaupo ngayon lalo na kung isipin na wala na silang magagamit na pondo para sa anomang proyekto sa 2028 dahil sa malawakang pagbabawal ng paglalabas ng pondo at paggawa ng mga proyekto simula sa Pebrero 2028 dahil sa 120 day ban ng Commission on Elections.

Ang mga nagrereklamo na kakandidato muli, gudbay na ang tsansa nilang manalo at manumbalik sa pwesto habang paldo ang pondo at kabi-kabila ang mga proyekto ng mga miyembro ng Lakas-CMD at PFP na malamang na ikapapanalo muli nila.

Pero teka, matutuloy kaya ang halalang 2028 dahil tila kakapit-tuko sa pwesto ng lagpas sa 2028 ang nakararaming nasa poder sa anomang mga paraan.

At kabilang sa mga paraan dito ang pagsibak kay Vice President Sara Duterte sa anomang paraan dahil sinasabing magiging tinik siya sa lalamunan ng mga kapit-tuko at nagpapayaman sa pwesto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here