Home OPINION STATE OF CALAMITY SA SUPER EL NIÑO

STATE OF CALAMITY SA SUPER EL NIÑO

3
0

KAPAPASOK pa lang ng super El Niño, marami nang mga lugar ang nagdeklara ng state of calamity.

Gagamitin na ang mga natitirang calamity funds ng mga nagdekalang lugar para labanan ang masamang epekto ng sobrang init ng panahon na pumapatay produksyon ng pagkain at kakulangan ng tubig.

Kakambal din dapat dito ang pag-freeze o hindi pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, karne, isda, delata, rekado, mantika at iba pa.

Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, heto ang mga nagdeklara ng state of calamity: Sa Cagayan Valley, may 66; sa Calabarzon – 4; sa Bicol – 12; Soccsksargen – 1; at Caraga – 23.

Nagkaroon din ng 39 sunog sa mga kakahuyan, damuhan at kabundukan sa Caraga Administrative Region.

May 4 na lungsod at bayan ang kinakapos na sa tubig habang may 33 lugar ang nagsuspinde ng klase sa nasabing rehiyon.

Sa kabuuan sa buong bansa, may 104,149 pamilya o 388,375 individuals ang apektado ng super El Niño habang may P5.56 bilyon na ang nasirang mga pananim at pinakamalaki rito ang P4.96B sa Cagayan Valley.

Apektado na ring 201,322 magsasaka at mangingisda sa pagkasira ng mahgit 223,497 ektarya ng palayan at iba pang mga pananim at 41,164 ektarya ang ganap nang nasiraan ng pananim.

Lahat ng buong bansa na ang matatamaan nang matindi kakulangan ng tubig at ulan pagdating ng tatlong buwan ng 2027 dahil sa super El Niño.

Dahil dito, mayroon na rin umanong P39,058,681 na naipalabas ng gobyerno na ayuda sa mga biktima.

Kung titingnan ang naipalabas nang pondo ng gobyerno bilang ayuda at ikumpara ito sa nasira nang mga pananim na P5.56 bilyon, kakatiting lang ito.

Kung ganito ang pagtugon ng gobyerno sa napakalaking problema, mga brad, matinding krisis, gutom at paghihirap ang aabutin ng lahat.

Mas malaki pa ang ginagastos sa impeachment, P600 milyon na, kaysa ayuda sa milyon-milyong biktima ng supe El Niño.

Punyeta!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here