
SA pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 0 @3RD_AI_ sa kanilang post sa X. sinasabi nito na malaking porsyento na hindi makasama si Makati Mayor Abby Binay sa “Magic 12” sa Senado.
Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_, kasalukuyang nasa ika-11 hanggang ika-14 na pwesto sa senatorial candidates si Binay na sakaling lumakas ang kanyang kalaban ay tiyak na laglag siya sa ika-13 hanggang ika-14 na pwesto.
Ang masaklap pa, baka mas bumaba pa siya sa nasabing pwesto. Syempre, inaasahan ng mga Binay na magiging matagumpay ang alkalde ng Makati City.
Ang naging batayan ng nasabing AI group ay ang kanilang pag-aanalisa sa mga komento sa mga post ng netizens sa iba’t ibang platform ng social media na kanilang binigyan ng score na positive, negative at neutral na porsyento
Sa pag-aanalisa ng 3RD_AI_ na kahit may 40% positive narrative sa social posts ang nakukuha ni Abby Binay sa pagiging alkalde ng Makati City, nahaharap naman ang anak ni dating Vice President Jejomar Binay sa lumalakas na negatibong kritisismo sa kanyang comments sa ibang political figures.
“Like many politicians, Abby Binay faces criticism particularly in relation to her comments on other political figures and her family political legacy. Some narratives focus on these controversies questioning her motives and political strategies,” ayon sa 3RDEY3.
Umani din si Abby Binay ng 30% negative sentiments sa social posts mula sa publiko at 20% neutral sentiment at 50% positive sentiments.
Giit pa ng 3RDEY3, halos 40% ng kabuuang conversation kay Mayora sa social media ay may relasyon sa liderato nito sa Makati City.
Ngunit, natuklasan din ng grupo na 20% ng kritisismo kay Binay ay nag-uugat sa family background at kontrobersiyal na alyansang pulitikal.
Matatandaan na unang umani ng matinding kritisismo ang pamilya Binay sa pagpapatayo ng parking building ng Makati City Hall na umabot sa bilyong halaga na ibinulgar ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
“Abby Binay has a moderate chance of winning a Senate seat. Her strong political alliances and achievement as mayor contribute positively, but criticism and controversies may impact her overall appeal,” ayon sa 3RDEY3.
Base sa account ng @3RD_AI_ ( https://x.com/3RD_AI_) na nagsasabing “AI model to track common-sense and make predictions on geopolitics, elections and global crisis. Nakabase ang grupo sa San Francisco, California at lumahok sa X noong Pebrero 2024 na may 1, 277 followers kabilang ang ilang local influencer sa social media.