Home METRO ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng road reblocking, repairs ‘gang Marso 18, 2023

ALAMIN: Mga kalsadang apektado ng road reblocking, repairs ‘gang Marso 18, 2023

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes ang isasagawang road reblocking at repairs ng Department of Public Works and Highways sa kahabaan ng major roads sa Metro Manila ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, sarado ang mga sumusunod na kalsada simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, March 15 hanggang alas-5 ng madaling araw sa Lunes, March 18:

  • Taft Avenue cor. Pedro Gil (2nd lane), Manila City

  • EDSA (SB), J.P Rizal Avenue to Orense 3rd lane from sidewalk, Makati City

  • EDSA (NB), Between Tandang Sora Street to General Malvar Street 2nd lane from sidewalk, Caloocan City

  • EDSA (NB), EDSA Northbound Balintawak After LRT Station (1st Lane), EDSA Northbound Balintawak After Oliveros Footbridge (1st lane), EDSA Northbound Balintawak Before Oliveros Footbridge (1st Lane), Caloocan City

“The affected roads will be fully passable by 5 a.m. on Monday, March 18,” ayon sa abiso.

Samantala, sarado rin ang West Avenue- Ligaya Street to Del Monte Avenue at Batasan- Commonwealth Tunnel, Filinvest 1 Road to Commonwealth para sa road repairs simula alas-10 ng gabi ng Biyernes, March 15, at muling bubuksan ng alas-5 ng madaling araw sa March 22.

Gayundin, kasado ang asphalt overlay activities ang DPWH sa sumusunod na mga kalsada mula alas-11 ng gabi ng March 15 hanggang alas-5 ng madaling araw sa March 26:

  • Aurora Boulevard Westbound from Yale to Annapolis

  • Kamias Road, Quezon City (from Kasing-Kasing Street to before Anonas Street)

Pinayuhan ang mga motoristang dumaraan sa mga nabanggit na kalsada na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Nauna nang nagbabala ang Department of Transportation sa posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Port Area sa Manila hanggang Camp Aguinaldo sa Quezon City dahil sa road closures dulot ng transportasyon ng Metro Manila Subway Project’s (MMSP) Tunnel Boring Machine (TBM) mula alas-9 ng gabi ng March 15 hanggang alas-4 ng madaling araw ng March 16, at alas-9 ng gabi ng March 16 hanggang alas-4 ng madaling araw ng March 17.

Gagamitin ang TBM sa konstruksyon ng mga tunnel para sa Camp Aguinaldo Station at Ortigas Station ng MMSP. RNT/SA

Previous articleMt. Kanlaon ilang araw nang nasusunog
Next articlePinas ‘di pasimuno ng gulo sa WPS – PBBM