Home METRO Mt. Kanlaon ilang araw nang nasusunog

Mt. Kanlaon ilang araw nang nasusunog

BACOLOD CITY- Lampas dalawang araw nang nasusunog ang halos 35 ektarya ng mga puno at damuhan sa Mt. Kanlaon Natural Park sa Barangay Biak na Bato, sa bayan ng La Castellana, Negros Occidental.

Sinabi ni La Castellana Mayor Rhummyla Mangilimutan na nagsimula ang sunog sa Barangay Biak na Bato nitong Huwebes at kumalat na sa katabi nitong Mananawin at Masulog.

Ayon kay Joan Nathaniel Gerangaya, Provincial Environment and Natural Resources Officer, hirap ang mga bumberong marating ang fire scene dahil kailangan itong akyatin nang dalawang oras mula sa Mt. Kanlaon Natural Park Administration Center sa Barangay Calapnagan.

Sa halip, gumawa sila ng fire line upang maiwasang kumalat pa ang apoy sa ibang lugar.

Kabilang sa mga pumupuksa sa apoy ang Kanlaon Green Brigade volunteers, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Fire Protection unit, at Disaster Risk Reduction Management Office personnel, ayon kay Gerangaya.

Nasa lugar din ang mga kinatawan ng Office of the Civil Defense.

Hindi rin sapat ang mahinang ulan nitong Biyernes upang maapula ang apoy, ayon sa opisyal. RNT/SA

Previous articleGOBYERNO NATAUHAN NA, ICC ‘WAG MAKIALAM
Next articleALAMIN: Mga kalsadang apektado ng road reblocking, repairs ‘gang Marso 18, 2023