Home ENTERTAINMENT Albert, join sa BQ, binawi ang pagreretiro!

Albert, join sa BQ, binawi ang pagreretiro!

Manila, Philippines – Malalaking pangalan ang nadagdag sa cast ng Batang Quiapo.

In no particular order, ilan lang sa kanila’y sina Andrea Brillantes, Celia Rodriguez, Juan Rodrigo, Shamaine Buencamino, Jake Cuenca at Albert Martinez.

Sinasabing ang mapabilang sa seryeng pinagbibidahan at dinidirek ni Coco Martin ay isang malaking karangalan.

Tulad na lang ni Chanda na sa wakas ay nasa cast na.

Matatandaang “nagpaparinig” noon ang batikang aktres: “Ang tagal naman!”

Ang tinutukoy ni Chanda ay kung kelan siya makakatanggap ng call slip.

Ayan at nagbunga rin ang kanyang matiyagang

paghihintay.

Sa kaso naman ni Manay Celia kung tawagin ng kanyang showbiz peers, aminado ang batikang aktres na matagal na niyang naririnig ang kabutihan ni Coco.

It’s just that hindi pa niya ito personal na nakakausap o nakakasama.

Manay Celia–in a vlog interview by Ogie Diaz–confessed to have sought Coco’s help para sa isang showbiz friend na lumapit sa kanya.

Sa kaso naman ni Albert, hindi rin pala napangatawanan ang mismong deklarasyon niya kamakailan na magreretiro na siya.

Sa isang recent interview, Albert’s reason for his retirement ay para tutukan ang kanyang personal na buhay.

The 60 something actor was last seen in Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Anyare? Ronnie Carrasco III