Home METRO MMDA employees timbog sa kolorum na sasakyan

MMDA employees timbog sa kolorum na sasakyan

MANILA, Philippines – ARESTADO ang mag-asawang  empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagmamaneho ng colorum na sasakyan.

Nabatid sa ulat na hinuli ng Department of Transportation – Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang mag-asawa sa kanilang colorum operation sa Bacoor, Cavite patungong Baclaran.

Sinabi pa sa ulat na sinubukan ng mag-asawa na makipag-ayos sa mga opisyal ng Transportasyon, ngunit nagpasya ang huli na i-impound ang kanilang van.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng DOTr-SAICT na matagal nang nagpapatakbo ng kanilang colorum van ang mag-asawa.

Kaugnay nito ipinaalam din ng MMDA sa DOTr-SAICT na nagsasagawa rin sila ng hiwalay na imbestigasyon sa dalawa, ayon sa ulat. (Santi Celario)