Home NATIONWIDE Alice Guo nahaharap sa panibagong kaso sa NBI

Alice Guo nahaharap sa panibagong kaso sa NBI

MANILA, Philippines – Nahaharap sa panibagong kaso si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo matapos magsampa ng reklamong human traffciking, graft and corrupt practices at falsification of public documents ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ), nitong Miyerkules ng umaga, Marso 12.

Ayon kay NBI spokesperson at Regional Director for National Capital Region Ferdinand Lavin, ang reklamo ay nag-ugat sa pagbili ni Guo ng tatlong lupain sa Sual, Pangasinan gamit ang kanyang pekeng pagkakilanlan.

“In the acquisition of these properties sinabi ni Alice Guo siya si Alice Guo, that she is a Filipino citizen, when, in fact, we were able to establish she is Guo Hua Ping and she is a Chinese citizen and not a Filipino citizen,” pahayag ni Lavin.

Naglabas din ng reklamong human trafficking ang NBI laban sa 11 opisyal at empleyado ng Philippine Amusement and Gaming Corp., kasama ang isang Atty. Jayson Masuerte.

Ayon kay Lavin, dapat sanang pangasiwaan ng PAGCOR officers ang operasyon ng Philippine Offshore gaming Operations ngunit hinayaan ang scamming activities sa Zun Yuan Techonology, ang POGO hub na sinalakay sa Bamban.

Sinabi ni Lavin na kinunsinte ng PAGCOR personnel at sa pagkakataon na hinayaan ang scam operasyon sa hub.

Kinokonsidera rin ng NBI ang paghahain ng adminstrative cases ng gross misconduct, serious dishinesty at conduct prejudicial to public service laban sa mga empleyado ng PAGCOR sa Civil Service Commission.

Samantala, mayroon pang ibang lupa si Guo sa ibang bahagi ng Pangasinan ay patuloy na iniimbestigahan ng NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden