Home NATIONWIDE Miting ng mga opisyal ng pamahalaan sa hotel sa Somalia, niratrat ng...

Miting ng mga opisyal ng pamahalaan sa hotel sa Somalia, niratrat ng mga armado

SOMALIA – Pinaulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan ang isang hotel sa Baladweyne sa central Somalia nitong Martes, Marso 11, kung saan isinasagawa ang pagpupulong ng mga local elder at mga opisyal ng pamahalaan.

Nagpapatuloy din ang pagkubkob sa naturang hotel.

Ayon kay Dahir Amin Jesow, isang federal lawmaker mula sa Baladweyne, sa ngayon ay may apat katao na ang nasawi ngunit “we are still counting casualties.”

Inako ng Islamist militant group Al Shabaab ang pag-atake at sinabing nakapatay na ito ng mahigit 10 katao.

Madalas na naglulunsad ng mga pambobomba at pamamaril ang Al Shabaab sa naturang bansa para pabagsakin ang pamahalaan at itatag ang sariling pamumuno batay sa istriktong interpretasyon ng Islamic Sharia law.

“We first heard a huge blast followed by gunfire, then another blast was heard,” pahayag ng isang witness sa pag-atake. RNT/JGC