Home OPINION ANG SAY NI SECRETARY AÑO

ANG SAY NI SECRETARY AÑO

MAY mga nagtawag ng pagtalikod sa pagsuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong mga nagdaang linggo. Partikular na pinakiusapan pa ay ang Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police.

Pambihira ‘di ba? Kaya naman, sa panawagan na ‘yan, walang ibang nagsalita kundi si National Security Adviser Eduardo M. Año.

Partikular niya na ring tinukoy ang nagpasimula ng panawagan na ‘yan. Walang iba kundi si dating House Speaker at Davao Del Norte (1st Dist.) Rep. Pantaleon Alvarez.

 

Ang say ni NSA Año, “minaliit” naman masyado ni Alvarez ang integridad at propesyunalismo ng AFP at PNP.

Ang dalawang institusyon na ito, ani Año, ay parang ‘di naman alam ni Alvarez, ay may katapatan lamang sa ating Constitution o Saligang Batas. Ika nga sa ‘rule of law’, tapat ito sa ‘chain of command’, at sa Pangulo ng Pilipinas bilang ‘Commander-in-Chief’ ng Sandatahang Lakas o AFP.

Bukod dito, ang panawagan nang pagwiwithdraw ng support kay PBBM, para kay NSA, ay insinwasyon lamang na walang basehan.

Ang mas matindi, ang say ni Año, kung ang mga ganitong panawagan ay nanggagaling pa sa isang public official, na isa ring high-ranking reservist officer.

Iresponsableng panawagan kapag ganyan ang pangyayari, ang sabi ni Año. At ‘di lang yan, iligal pa raw na maituturing at “unconstitutional” ang ginawa ni Alvarez. Ibig sabihin, labag sa Saligang Batas at labag lalo na sa batas.

Sinisira nito ang pundasyon ng mga demokratikong institusyon natin, dagdag pa ng ating Security Adviser, na sa kanyang malalim pang pananaw, ay sumisira rin sa pangingibabaw ng mga sibilyan sa ating mga sundalo.

Ibig sabihin, ang mga ganitong panawagan ay maituturing nang ‘seditious’ o ‘rebellious’, ang say ni Año. Wala itong puwang sa ating lipunan.

“In a democratic society such as ours, the armed forces are neutral and apolitical, serving the interests of the nation as a whole. The AFP and PNP shall continue to remain above petty partisan, political, or personal interests,” say pa ‘yan ni Año.

‘Di nga naman dapat idinadamay ni Alvarez at sinoman ang kanyang mga kasama pa, ang mga nirerespeto ng bayan na mga institusyon gaya ng AFP at PNP, para lamang maisulong ang kanilang mga sariling kapakanan o agenda, kahit pa ito ay dala ng kanilang emosyon o politikal na paniniwala.

Kaya naman, nanawagan din si Año hindi sa ating mga kababayan, kundi sa Department of Justice na rebisahin ang panawagang ginawa nina Alvarez at patawan ng anomang ligal na aksiyon para hindi na pamarisan.

Malalim na sugat ‘yan sa mga unipormado nating mga kapatid na ibinubuwis ang buhay para sa ating seguridad at ipaglaban ang bansa nang naaayon sa Saligang Batas.

Kayo, ano say n’yo?