Home OPINION ANG TUNAY NA KALABAN NG PILIPINO

ANG TUNAY NA KALABAN NG PILIPINO

307
0

PASAKALYE muna ang hirit ng inyong PAKUROT. HAPPY BIRTHDAY sa aking second jewel na si Engr. Emmanuelle John Botones Bascuguin at sa aking 6th gem na si Achilles Matteus Bascuguin Fernandez, na kapwa nagdiriwang ngayong araw ng kanilang kapanganakan.

At belated HAPPY BIRTHDAY sa aking 1st gem na si Rico Elijah Bascuguin Limboc na nagdiwang ng kaarawan noong August 6.

@@@@@@@

Sa programa ng inyong lingkod na ANGAT PILIPINAS sa Media House Express, natalakay ang usaping “May pag-asa pa bang umunlad ang ating Inang Bayan?”

Marami siyempre ang positibo na makababangon ang ating bansang Pilipinas na dinurog ng pagsubok hindi lang dulot ng kalikasan subalit maging mismong ng mamamayan.

Gayunman, hindi tayo pinanghinaan ng loob. Patuloy tayong nagsusumikap na muling makabangon sa pagkakalugmok na mismong tayo ang may kagagawan dahil hindi tayo naging maingat sa opisyales ng pamahalaan na iniluklok natin sa pwesto.

Pero may nakatawag ng pansin sa akin sa mga komentong natanggap ko. Ang sabi ng isang tagasubaybay, “Wag na tayong umasa na may pag-asa pa ang Pilipinas!” Nalungkot ako. Kasi nga, marami pa rin ang naniniwala na makaahon pa tayo sa kahirapan.

Magkakaroon pa rin ng kasagutan ang mga problema ng bansa tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho at pagkakakitaan, kawalan ng maayos na edukasyon, kakulangan sa mga pangangailangang pangkalusugan, problema sa kapaligiran at kalikasan at maraming iba pa.

Kahapon, muling nagpadala ng mensahe ang aking tagasubaybay. Sabi niya, “Hindi po natapos ang aking mensahe. Kinapos sa oras.”

“Wag na tayong umasa pa na may pag-asa pa ang Pilipinas! Hanggang hindi nagbabago ang Pilipino,” giit pa ng tagasubaybay ng Angat Pilipinas.

Hiniram pa niya ang salita ni Heneral Antonio Luna : “Ang TUNAY na KALABAN ng Pilipino ay walang iba kundi ang sarili niya.”

Tama naman ang mga pahayag niya. Mismong sarili natin dahil hindi tayo natututo. Natututong mahalin ang kapwa natin. Puro sarili na lang natin.

Mismong tayong mga Pilipino ang naghihilahan pababa sa halip na magtulungan upang makabangon sa pagkakadapa. Bakit? Dahil sa pera at kapangyarihan. Naghahangad na mamuno sa bayan dahil sa kasibaan. May hawak ng yaman, hindi pa nasiyahan, naghahangad ng mas marami pa.

Sana lang magising na ang mga Pilipino na dapat ay magkaisa tayo upang bumangon at umangat ang bansa at hindi iyong mismong tayo ang nag-aaway-away dahil lang sa mga sinusuportahang pulitiko at maling paniniwala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here