Home ENTERTAINMENT Annabelle, mas ‘malala’ kay Gloria!

Annabelle, mas ‘malala’ kay Gloria!

108
0

Manila, Philippines – Trending ang ‘sabunutan’ video ng mag-inang Isabelle Daza at Gloria Diaz na ipinost ng una sa kanyang IG.

Ito ay may kaugnayan sa isang endorsement ng fast food chain na ini-endorso ng mag-ina.

May mga nawindang din sa naging bardagulan ng mag-ina sa nasabing video.

Caption naman ni Isabel sa kanyang IG post: “Sometimes our moms can be our triggers. It all depends on how you respond, what option would you chose?”

Nag-react naman si Ruffa Gutierrez sa nasabing post ni Belle.

Ani Ruffa: “Relate!! Mom is times 3 of tita Glo!”

Hirit niya, mas ‘malala’ pa raw ang ina niyang si Annabelle Rama kesa sa dating Ms. Universe pagdating sa pagti-trigger sa kanya.

Sagot naman ng beteranang aktres at beauty queen: “Hahaha, I am sure.”

Ganti naman ni Ruffa: “@gloria.diaz69 Miss youuu!!”

Sey naman ng ilang netizens, sana raw ay may ganoong content din sina Ruffa at Annabelle.

May nagsabi pang cute raw marahil kapag nag-away na ang mag-ina.

Sa kabilang banda, inokray naman ni Alex Gonzaga ang acting ni Belle sa nasabing video clip.

Komento ni Alex: “Napabilib mo ko sa acting mo belle!!!!! Para kong nanonood ng cartoon network.”

Resbak naman ni  Belle kay Alex: “@cathygonzaga nyahahahah”

Umani rin ang samu’t-saring reaksyon ang acting ng mag-ina sa video mula sa kapwa celebrities.

Reaksyon ni Solenn Heusaff: “Lol the best!!!

Hirit naman ni Nico Bolzico: “This is quality content.”

Sey naman ni Andie Eigenmann: “Wahhhh hahahaha made me miss these moments with mine!!” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here