Home ENTERTAINMENT Audrey, nagbalik-tanaw sa unang tikim!

Audrey, nagbalik-tanaw sa unang tikim!

Manila, Philippines – Ang Vivamax sexy star na si Audrey Avila ay laging no-holds barred kapag nakikipagtsikahan sa amin.

Ang aktres na alaga ni Jojo Veloso ay napapanood ngayon sa Vivamax Original Series na High On Sex 2 ni Direk GB Sampedro. Next namang mapapanood si Audrey sa Vivamax series na Halo Halo X by direk Roman Perez Jr.

Kuwento niya sa bagong project, “Iyong role ko po is si Grace. Asawa ni VR Relosa (Jeremy). Isa akong batang ina rito, na martir at pinagtaksilan ng asawa niya dahil hindi wild sa kama.

“Super-sexy ako rito, as in all out kami ni VR sa love scene and ibang-iba yung atake this time. Kasi may pagka-surrealistic yung concept ng kuwento and talagang sumasalamin sa buhay ng mga pangkaraniwang Filipino.

“Isa lang ang naka-love scene ko rito, si VR lang, yung asawa ni Grace… kasi nga martir siya kahit niloloko na siya ay loyal pa rin sa asawa niya.”

In real life ba, hindi madi-disappoint sa kanya ang bed partner niya, tulad ng role niya as Grace?

Mabilis na sagot ni Audrey, “Yes, hindi sila madi-disappoint kasi mas magaling ako in real life, hahahaha!”

Sa aming huntahan pa sa kanya, inusisa namin kung nakaranas na ba siya na sa isang mainit na love scene ay nag-react ang kargada ng partner niya?

Tugon ni Audrey, “Professional po tayo sa work, kaya kapag may mainit na love scene na naramdaman kong nagre-react ang ‘Junjun’ ng partner ko, behave lang ako, hahaha!”

How about iyong unang tikim niya sa sex, paano niya ito ide-describe at ilang taon siya that time?

Esplika ni Audrey, “17 po ako noon, iyong unang tikim ko sa sex, yung feeling… parang nakipag-meet and greet talaga ako nu’ng una kay Lord, parang ibang feeling po kasi talaga, eh…

“Of course nasarapan ako, kaso iba kasi iyong feeling that time, parang masakit talaga. Ganoon, kasi siyempre first time, ganern! Hahaha!” Nonie Nicasio