Home OPINION BAD AND UGLY

BAD AND UGLY

332
0

HINDI na pangkaraniwan ang kasamaan na nangyayari sa bansa natin ngayon na minsan napaiisip ako — na deserve rin natin talaga ito. “Only in the Philippines,” sabi natin — maraming beses noon, nang may pagmamalaki, pero ngayon, may ‘bitter irony’ sa paglalarawan ng mga bungi-bunging pampigil sa baha, ghost projects, at iba pa.

Maraming napahahanga sa ating mga isla, sa ating world-class singers, sa ating mga talento, sa mababait nating mamamayan, sa ating husay sa palakasan. Pero nitong mga nakalipas na buwan, ang ating ‘Pinoy pride’ ay mistulang nabahiran ng matinding kahihiyan habang ibinubunyag ng Senado ang mas maraming kabulukan at kapangitan ng sistematikong pagnanakaw sa ating pamahalaan.

Maging sa Senado, ang mismong institusyon na naglantad ng pinakatiwa-tiwalang imbestigasyon sa usapin, ay nagulantang sa sinasabing pagkakasangkot ng ilang miyembro nito bilang pangunahin umanong kasabwat sa malawakang sabwatan upang mapondohan ang mga proyektong idinisenyo para paboran ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways ang pribadong contractors, na nagsisilbing ”bagmen” para sa mga kickback.

Kaya nang yanigin ng malakas na lindol ang Cebu, o nang lamunin nang buo ng gumuhong lupa ang mga barangay kasunod ng ilang araw na malakas na ulan, halos parang maituturing nang karma ang nangyari, na para bang napikon na ang kalikasan sa garapalang korapsyon dito sa atin na nagkukunwaring serbisyo publiko.

Sa Lumang Tipan, niyanig ng Diyos ng mga kalamidad ang Israel nang manaig doon ang kawalang hustisya, ginawa ng tao ang pinakamatinding kasalanan, at hindi tumupad ang mga pinuno sa sinumpaan nilang tungkulin. Pero kumilos din Siya upang, sa huli, ay isalba pa rin tayo.

Para sa grabeng korapsyon na ito na nabunyag sa kontrobersyal na flood control, mistulang maging ang mga isinugo ng Langit ay isa-isa nang naglalaho: una, si Mayor Benjie Magalong, ang pangunahing imbestigador ng Independent Commission for Infrastructure; at ngayong linggo, si Sen. Ping Lacson, ang chairman ng Blue Ribbon Committee.

Relief goods ibinebenta

Nasa usapin na rin lang tayo ng “only in the Philippines,” narito ang isa pang kahiya-hiyang kabulukan na umeksena sa mga balita. Isang babae ang nahuli sa Tondo, Manila sa pagbebenta ng 6,000 kahon ng family kits mula sa Department of Social Welfare and Development na nagkakahalaga ng P15 milyon.

Makapanindig-balahibo ang anomalya dahil ang bawat kahon ay markado na nga ng “Not for Sale” at magsisilbing relief goods para sa mga biktima ng trahedya, tulad ng paglindol sa Cebu kamakailan. Kinumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang mga kontrabando mula sa isang bodega kasunod ng isang operasyon na tumagal nang magdamag.

Ngayon, ang tanong: paano napasakamay ng isang ordinaryong mamamayan ang nasabing ayuda kung wala itong kasabwat mula mismo sa DSWD? Oo, malalaman mo kung paanong naging ganito na kasama ang mabubuting tao, na humahantong na sa negatibong pagpoprotesta kung maging ang malasakit sa kapwa ay ibinebenta na rin para kumita. Hindi na kataka-taka na kahit ang mismong Langit ay tuluyan nang tinalikuran ang ating bansa.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here