Home NATIONWIDE Bagong digital platform para sa mga donasyon ilulunsad ng DSWD

Bagong digital platform para sa mga donasyon ilulunsad ng DSWD

MANILA, Philippines- Maglulunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng bagong digital platform na tinatawag na Kaagapay Donations Portal sa Martes, February 18, para sa donation processes.

Sinabi ng DSWD nitong Biyernes na maaaring gamitin ng donors ang plataporma upang magpadala ng cash o in-kind donations para sa disaster operations sa DSWD centers o sa residential care facilities (CRCFs).

“Through the portal, donors will have the option to choose if they want to donate through online payment gateways or via logistics partners to personally deliver their in-kind donations to our CRCFs,” pahayag ni DSWD spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.

“The contact details of LGUs affected by disasters will be published on the website for more efficient donations coordination,” dagdag ni Dumlao.

Binanggit ng DSWD na bahagi ang paglunsad sa portal ng 74th anniversary celebration ng ahensya sa February 18. RNT/SA