Home METRO Kapakanan ng magsasaka, mangingisda, lokal na prodyuser isinusulong ng Agri Party-list

Kapakanan ng magsasaka, mangingisda, lokal na prodyuser isinusulong ng Agri Party-list

MAYNILA — Pormal na sinimulan ng AGRI Party-list ang kanilang kampanya para sa 2025 eleksyon sa pamamagitan ng market visit at motorcade, dala ang panawagan para sa murang pagkain at libreng serbisyong pangkalusugan.

Sa pamumuno ni Rep. Manoy Wilbert Lee, patuloy na isinusulong ng AGRI ang kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, at lokal na prodyuser upang matiyak ang sapat at abot-kayang pagkain.

Kabilang sa mga batas na kanilang naipasa sa 19th Congress ay:

  • RA 11953 (New Agrarian Emancipation Act)

  • RA 11985 (Philippine Salt Industry Development Act)

  • RA 12022 (Anti-Agricultural Economic Sabotage Act)

Patuloy din nilang isinusulong ang mga panukalang Cheaper Rice Act, Post-harvest Facilities Support Act, Kadiwa Agri-Food Terminal Act, at Fishing Shelters and Ports Act.

Sa tulong ni Lee, nagtagumpay ang AGRI na itaas ang benepisyo ng PhilHealth matapos ang higit isang dekada.

“Tuloy ang laban para sa murang pagkain at serbisyong pangkalusugan! #88 sa balota — AGRI Party-list!” pahayag ng grupo. RNT