Home METRO Bagong panganak na sanggol itinapon sa sementeryo sa Pangasinan

Bagong panganak na sanggol itinapon sa sementeryo sa Pangasinan

PANGASINAN-Isang patay na bagong panganak na sanggol ang nadiskubreng itinapon sa loob ng sementeryo sa Mabini St. Brgy. Poblacion, Binmaley ng lalawigang ito kahapon, Abril 9.

Mismong si Alberto Aquino Dela Cruz, 53, may asawa, caretaker ng Binmaley Public Cemetery, ang nakadiskubre nito.

Ayon kay Dela Cruz, may nakita siyang box na iniwan sa loob ng binabantayan sementeryo at nang buksan niya para tingnan kung ano ang laman nito ay nakita niyang patay na newborn baby ang nasa loob ng box.

Agad na ipinagbigay-alam ni Dela Cruz sa Binmaley Municipal Police Station ang kanyang natuklasan. Rolando S. Gamoso