Home NATIONWIDE Bahagi ng Luzon, Mindanao uulanin sa ITCZ at easterlies

Bahagi ng Luzon, Mindanao uulanin sa ITCZ at easterlies

1
0

MANILA, Philippines – Makararanas ng maulang panahon ang ilang bahagi ng Luzon at Mindanao dahil sa epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at Easterlies.

Ayon sa PAGASA, ngayong Lunes, Oktubre 19 ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Tawi-Tawi, at Palawan dahil sa ITCZ.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan din at thunderstorm ang mararanasan sa Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, at Oriental Mindoro dahil naman sa Easterlies.

Samantala, ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa easterlies, habang kaparehong panahon ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here