Home OPINION BALASAHAN SA GABINETE, ANYARE?

BALASAHAN SA GABINETE, ANYARE?

298
0

NITONG umaga ng Mayo 22, 2025, ginulat ang publiko nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘courtesy resignation’ ng cabinet secretaries, ayon sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office.

“Panahon na para i-realign ang gobyerno sa inaasahan ng mga tao,” sabi ni Pangulong Marcos.

Ang hakbang ay naglalayong “i-recalibrate ang kanyang administrasyon kasunod ng mga resulta ng katatapos na halalan,” ayon sa PCO.

Marcos Jr.: “This is not business as usual. Nagsalita na ang mga tao, and they expect results—not politics, not excuses. We hear them, and we will act.” dagdag pa ng Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Samantala, nagpahayag nang pagtalima sa tinuran ni Pangulong Bongbong ang marami sa kanyang kasalukuyang miyembro ng gabinete na nagpasa na ng kani-kanilang resignation letter.

Bagama’t ang anunsyong ito ayon sa Pangulo at sa tagapagsalita nito ay may kinalaman sa naging resulta ng katatapos na midterm elections na dapat isaayos muli ng gobyerno ang pamunuan ayon sa inaasahan ng mga tao datapwat marami ang naging espikulasyon ng publiko sa biglaang anunsyong ito.

Ilan sa mga tanong ngayon ng publiko ay sino-sino naman kaya ang ipapalit o mga bagong hihirangin ng Pangulo sa mga mababakanteng posisyon o baka naman sila pa rin ang mga kalihim at pagpapalit-palitin ang mga kagawarang hahawakan ng mga ito.

Para sa kaalaman ng lahat, kapag sinabing courtesy resignation sa gabinete, ito ay nangangahulugang kusang-loob at pormal na pagbibitiw sa posisyon ng ilang opisyal bilang pagpapakita ng respeto sa Pangulo; pagbibigay-daan sa reporma ng administrasyon datapwat desisyon pa rin ng Pangulo kung tatanggapin niya ang courtesy resignation o hindi. Kung hindi tatanggapin ng Pangulo ang courtesy resignation ay mananatili pa rin sa kanyang posisyon ang kalihim ng kagawarang kanilang pinamumunuan.

Sa isang panayam sa Pangulo ni Ka Tunying Taberna kamakailan ay natatandaang na winika nito na bukas siya sa pakikipag-ayos sa mga Duterte, kaya tanong uli ng publiko ay may kinalaman din kaya ang kanyang hiling na courtesy resignation sa kanyang mga kalihim?

Kamakailan din ay lumabas sa mga post sa social media ng mga kilalang Marcos vloggers ang pagbati sa dating Senador Antonio Trillanes IV bilang susunod umanong DILG Secretary na ayon naman sa iba ay isang “fake news” dahil matatandaang kumandidato ito at hindi pinalad sa lokal na posisyon at ayon sa batas ay hindi maaaring tumanggap agad ng posisyon sa gobyerno sa loob ng isang taon ang sinomang kumandidato na natalo.

Ang resulta kaya ay naaayon ba sa mga Duterte ang hakbang na ito o naaayon ba sa tunay na oposisyon ang kaganapang ito?

Alin man sa dalawang kampo ang mas makikinabang sa pangyayaring ito ay naniniwala akong ang mas higit na nararapat na magbunga ng magandang resulta ay ang ating minamahal na bansang Pilipinas tungo sa ganap na kaayusan, kapayapaan at kaunlaran na dapat madarama ng sambayanang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here