Home METRO Bangkay ng babaeng may tattoo sa creek sa Bulacan, nadiskubreng parak ng...

Bangkay ng babaeng may tattoo sa creek sa Bulacan, nadiskubreng parak ng NCRPO

213
0

BULACAN, Philippines – Isang bangkay ng police woman na umano’y nakabalot sa tela sa loob ng itim na garbage ang natagpuan ng mga awtoridad sa bayan ng Pulilan bandang 3:30 ng hapon nitong Enero 26.

Sa ulat, kinilala ang biktima na si “Diane”, police woman na nakatalaga sa Regional Personnel and Records Management Division of the National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon sa ulat, ang bangkay ay positibong kinilala ng kanyang asawa at kapatid, base sa kanyang tattoo at suot na damit.

Nabatid sa ulat na huling nakita ang biktima kasama ang kanyang 8 taong anak na lalaki papunta umano sa Novaliches, Quezon City noong Enero 16 at nai-report sa Taguig City police station noong umaga ng Enero 19.

Nadiskubre umano ang umaalingasaw na bangkay ng mga awtoridad bandang 3:30 ng hapon noong Enero 24 sa isang creek sa kahabaan ng Pulilan-Baliwag Bypass road, Brgy. Dulong Malabon, Pulilan, Bulacan.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikita umano ang 8 taong gulang na batang anak ng biktima.

Sinasabing nasa kustodiya na umano ng mga awtoridad ang isang Person of Interest (POI) habang patuloy ang kanilang pangangalap ng CCTV footages.

Kaugnay nito, nagtulong-tulong na ang Southern Police District, Taguig City police, Quezon City police, Criminal Investigation and Detection Group at Bulacan police sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang motibo at salarin sa nasabing krimen. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here