Home OPINION BARANGAY AT SK ELECTIONS, BAKIT URONG-SULONG?

BARANGAY AT SK ELECTIONS, BAKIT URONG-SULONG?

1
0

BAKIT ba parang urong-sulong ang usapin tungkol sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections o BSKE? Tutuloy ba ang halalan o mauusog na naman? Ano ba talaga ang sinasabi ng batas?

Para malinawan, balikan natin ang mga batas na ipinasa ng Kongreso at mga desisyon ng Korte Suprema—lalo na para sa mga nagbabalak kumandidato.

Noong 2023, idineklarang unconstitutional ng Supreme Court ang Republic Act No. 11935, ang batas na nag-postpone sa Barangay at SK Elections na nakatakda noong December 2022.

Take note: ang idineklarang unconstitutional ay ang postponement ng election.

Pagkatapos, nagkaroon ng bagong batas—Republic Act No. 12232—na nag-set ng four-year term para sa mga barangay at SK officials. Ito naman ay kinilalang valid ng Korte Suprema.

Ano ang pinagkaiba?

Simple. Ang RA 11935 ay tahasang nag-postpone ng election. Ang RA 12232 naman ay nag-set ng bagong term of office.

Ayon sa Korte Suprema, ang postponement ng election ay maaaring lumabag sa freedom of suffrage, na nangangailangan ng honest, genuine, regular, at periodic elections. Hindi basta-basta maaaring ipagpaliban ang halalan dahil may karapatan ang mamamayan na regular na pumili ng kanilang mga pinuno.

Pero hindi ba’t ang pag-set ng four-year term ay naging dahilan din upang mausog ang election?

Yes, but legally, magkaiba ang dalawa.

Sa ilalim ng doctrine of necessary implication, ang epekto sa election schedule ay incidental sa pag-set ng bagong four-year term. Hindi simpleng inextend ang mga incumbent dahil gusto lang ipagpaliban ang halalan. Ginamit ng Kongreso ang kapangyarihan nitong i-fix ang term of office ng barangay at SK officials.

Ngayon, may Senate Bill No. 2387 na naglalayong gawing five years ang term ng barangay at SK officials.

So, tuloy ba ang election?

As of now, yes—tuloy ang BSKE. Magbabago lamang ito kung maipapasa ng Kongreso ang panukalang five-year term at ito ay magiging ganap na batas matapos mapirmahan ng Pangulo.

Pero may isang mahalagang tanong: Bakit kailangang baguhin agad ang four-year term na kagagawa lamang? At bakit gagawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials samantalang tatlong taon lamang ang termino ng ibang local officials?

Baka mas makabubuting patagalin muna ang bagong sistema at hayaang ang taumbayan ang magpasya kung sino ang karapat-dapat mamuno sa susunod na apat na taon.

Dahil sa demokrasya, dapat malinaw ang batas—hindi urong-sulong ang halalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here