Home ENTERTAINMENT Barbie, ikinumpara kay Kathryn, nag-ingat sumagot!

Barbie, ikinumpara kay Kathryn, nag-ingat sumagot!

Manila, Philippines- Walang dahilan para gawan ng intriga sina Kathryn Bernardo at Barbie Forteza.

Unang-una, magkaiba ang dalawang aktres in many ways.

May mga nakakapansin kasi na nagkakapareho ng pag-atake sa kanilang mga roles sina Kathryn at Barbie.

Truth be told, flattered si Barbie if some people think that way.

Pero sa totoo, inamin ni Barbie at the recent mediacon of her movie with David Licauco na isa raw si Kathryn sa mga hinahangaan niya.

Barbie looks up to Kathryn in the sense na mahusay raw itong kumamada ng kanyang career.

“Kaya rin naman maraming brands ang naa-attract niya,” ani Barbie referring to the trust na ipinunla ni Kathryn sa mga brand owners.

Barbie even looks forward to working with Kathryn kung may pagkakataon.

Similarly, minsan nang binanggit ni David na pangarap din niyang makatrabaho si Kathryn sa isang Star Cinema project if fate will allow it.

Pero pinayuhan si David ng ilan na kallangan niyang lumevel up para makasabay kay Kathryn.

With David’s screen partner Barbie ay hindi raw ipinagkakait ng Kapuso actress ang anumang suportang maaari niyang ibigay to make their partnership work.

So far, ang upcoming show sa GMA na Pulang Araw ay pangatlong pagsasama na ng BarDa sa TV.

Previously, Barbie and David had worked together in Maria Clara at Ibarra na sinundan ng Maging Sino Ka Man.

Currently, they’re promoting their first ever movie together: kagatin din kaya ito ng kanilang mga tagahanga? Ronnie Carrasco III