Home NATIONWIDE BARMM voter registration tututukan ng Comelec

BARMM voter registration tututukan ng Comelec

MANILA, Philippines- Tututukan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa nakatakdang unang parliamentary polls sa 2025.

“Imo-monitor po nating mabuti ‘yung registration natin d’yan sa Bangsamoro sapagkat for the first time meron po tayong eleksyon para sa Bangsamoro parliament ngayong darating na 2025,” pahayag ni Comelec Chairman George Garcia sa isang panayam.

Bukod dito, inihayag ni Garcia na susuriin nila ang double at multiple registrations sa bansa.

Umarangkada ang voter registration nitong Lunes, February 12, na tatagal hanggang September 30, 2024.

Magsasagawa lahat ng Comelec offices ng aktibidad para sa pagdiriwang ng National Voters’ Day ngayong Lunes upang isulong ang voter registration awareness.

Nasa tatlong milyong Pinoy ang inaasahang magpaparehistro sa buong bansa.

Upang maabot ito, nakipagtulungan ang Comelec sa ilang mall owners at operators para mag-host ng Register Anywhere Project (RAP) sa halos 170 mall sa buong bansa. RNT/SA

Previous articleDayuhang terorista hinarang ng BI sa NAIA
Next articleDSWD nakapagbigay na ng P200M tulong para sa Davao Region