Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isa na naman dating child-beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakabilang sa mga ipinagmamalaki ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng DSWD matapos na maging topnotcher ito sa katatapos na September 2024 Social Worker Licensure Examination (SWLE).
“We are delighted to share that another former monitored child of our poverty-alleviation program bagged the top spot of the licensure exam for social workers, out of the more than 7,000 examinees,” sabi ni DSWD Spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao.
Ayon sa DSWD mula sa Camalig, Albay, si Sheena Mae Magdato Obispo, ay nagtamo ng pinakamataas na gradong 87 percent sa katatapos na SWLE na pinangasiwaan ng Board for Social Workers sa National Capital Region, Baguio, Cebu, at Davao nitong September 16-18. Si Sheena ay kabilang sa mga pumasa sa may 4,587 examinees.
Kabilang ang pamilya ni Sheena sa Set 5 program beneficiary ng DSWD 4Ps program.
Nakasama din ang Bicol University (BU) sa Daraga, bilang top performing school dahil na rin sa nakapagtala ito ng 100% passing rate.
Ayon naman kay DSWD Asst. Secretary Dumlao, ikinagalak nito ang pagiging Top 1 ni Sheena kung saan sinabi nitong isa na namang patunay ito ng kahalagahan ng pagsisikap ng programa na maiangat ang pamumuhay ng mga benepisyaryo nito.
“We couldn’t be any prouder of Ms. Sheena Obispo’s achievement, just like how we view every success story of our 4Ps beneficiaries. Altogether, their narrative speaks a lot about the support and opportunities we extend to also nurture our beneficiaries’ talent and potentials,”sabi pa ni Asst. Secretary Dumlao.
Sa kasalukuyan, isa si Sheena sa pinakabagong nadagdag sa mga dating 4Ps monitored children na nanguna sa iba’t-ibang licensure examinations, kung saan ang pinakahuli ay si Khane Jevie Rose Solante Cervantes mula sa Cateel Davao Oriental, na nag Top1 din sa nakaraang May2024 Licensure Examination for Teachers (LET) in Elementary Level.
Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, simula ng umpisahan ng DSWD ang mag-monitor sa mga dating 4Ps children, nakapagtala na ang ahensya ng 36,000 former child-beneficiaries na pawang nakapasa sa iba’t-ibang mga board examinations kung saan halos 53 sa mga ito ang nakabilang sa Top 10. (Santi celario)