Home ENTERTAINMENT Bea-Dom breakup, nahaluan ng pulitika!

Bea-Dom breakup, nahaluan ng pulitika!

Manila, Philippines – Hindi ba’t supposedly, friendship–or even romantic relationship–should transcend politics?

Pero tila hindi ganito ang nangyari sa pagitan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.

May “bearing” daw kasi ang kanilang magkasalungat na political leanings.

One of the issues being raised against Dominic ay ang pagiging “Apolo 10” nito.

Take note that the word Apolo is spelled with a single “|” kung kaya’t walang kinalaman ito sa spacecraft ng NASA.

It turned out na kaya pala Apolo 10 ang tawag kay Dom ay dahil “apologist” siya ng mga Marcos.

A peek into his Instagram account reveals na pina-follow ni Dom si PBBM, si First Lady Liza Araneta-Marcos and their sons Sandro and Simon.

Taliwas naman daw ito sa political fence ni Bea na sinasabing Kakampink o supporter ni dating VP Leni Robredo.

Ang ending: their opposite political leanings stirred furor among Bea’s diehard fans.

In-unfollow na rin nila si Dominic.

“She (Bea) dodged a bullet!” anila.

Nakakaloka kung may bahid-pulitika nga ang kanilang paghihiwalay, although sumusumpa si Cristy Fernin na isang political figure ang umano’y may-ari ng condo unit na tinitirhan ni Dominic, na nabisto mismo ni Bea at ng kampo nito.

Paglilinaw pa ni Cristy, hindi raw matatagpuan sa BGC ang posh condo kundi somewhere else.

Dagdag pa niyang clue: neither Senator nor Congressman ang pulitikong damay sa usapin.

Then who?

Ito rin kasi ang gustong malaman nina Senators Raffy Tulfo at Jinggoy Estrada…”Marites,” kayo ba ‘yarn? Ronnie Carrasco III

Previous articlePinangyarihan ng landslide, no-build zone – Davao de Oro LGU
Next articleSouthern California, niyanig ng M-5.1 na lindol