Home METRO Bebot pinatay ng karibal!

Bebot pinatay ng karibal!

MANILA, Philippines- Love triangle ang tinitingnang motibo ng Quezon City Police District (QCPD) sa nangyaring pananaksak ng isang babae sa isa pang babae habang nakasakay ng pedicab nitong Lunes ng gabi sa Novaliches.

Kinilala ang suspek na agad na nadakip ng Novaliches Police Station 4 (PS4) na si Sheila Ilano, 29-anyos, residente ng T. Gonzales Drive, Brgy. Gulod, Novaliches, Q.C.

Naisugod pa sa Novaliches General Hospital ang biktimang si Jennifer Vergara ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ulat, naganap ang isidente pasado alas-10:00 ng gabi (August 7) sa Sta. Barbara St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Ayon sa testigo na si Josephine Vergara, sakay siya at ang biktima sa isang pedicab nang bigla na lamang sumulpot ang suspek, na armado ng kutsilyo at agad na sinaksak ang likod ng biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek patungo sa Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches, ngunit mabilis na nakahingi ng tulong ang testigo sa mga pulis, na siyang humabol at nakaaresto kay Ilano.

Narekober mula sa suspek ang isang asul na kitchen knife na may habang 12 pulgada, na ginamit sa krimen.

Nakapiit na ang suspek at sasampahan ng kasong murder sa piskalya. Jan Sinocruz/Mary Anne Sapico