Home NATIONWIDE BI ‘di pa rin lusot sa pagtakas ng Pinas ni Guo

BI ‘di pa rin lusot sa pagtakas ng Pinas ni Guo

MANILA, Philippines – Aminado si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dismayado ito kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Hindi nagustuhan ng kalihim ang ginawa ni Tansingco na hindi ipaalam sa DOJ ang mga impormasyon sa paglabas sa bansa nina Alice Guo at Shiela Guo na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO.

Tuloy aniya ang imbestigasyon sa mga tauhan ng BI na maaaring sangkot sa paglabas ng bansa ng mga Guo.

Nangyari na aniya ito sa Pastillas scam kung saan mga tiga-Immigration ang nagpalusot sa mga Chinese papasok at palabas ng bansa

Tiniyak ni Remulla na hindi ligtas sa parusa ang mga mapapatunayang responsable sa pangyayari.

Pinag-aaralan na aniya nila ang mga flight plan na isinumite ng Civil Aviation Authority upang masuri ang mga chartered flights na ginamit sa pagtakas ng mga kasama ni Alice Guo.

Samantala, ilalabas na ng DOJ prosecution panel ang resolusyon sa kasong Qualified Trafficking na isinampa laban kay Alice Guo. Teresa Tavares